Humingi na umano ng tawad sa Executive Secretary ng Malacañang na si Ralph Recto ang talent manager na tinukoy lamang ng TV Patrol bilang "Alias Ken."
Inaresto ng mga awtoridad ang talent manager matapos itong mahuli sa aktong ibinugaw ang limang female artists sa undercover agents na nagpanggap na high-end clients.
Naganap ang insidente sa isang five-star hotel sa Maynila noong Miyerkules ng gabi, July 29, 2026.
Sa ulat ni ABS-CBN News reporter Zyann Ambrosio kahapon, Agosto 4, ikinuwento ni Alias Ken kung paano umano nagsimula ang planong character assassination umano laban kay Recto.
Pati na ang umano'y naging papel ni former Negros Oriental First District Representative Jacinto "Jing" Paras sa operasyon.
Ayon kay Alias Ken, nagsimula ang palitan nila ng mensahe ni Paras noong Mayo 14, 2026, kung saan napag-usapan umano ang plano laban sa Executive Secretary.
Read: NBI arrests talent manager in human trafficking bust operation
ALLEGED character assassination against RECTO
Ayon kay Alias Ken, kabilang sa plano ang paghahanda ng mga babaeng gagamitin sa operasyon at maging ang rehearsal ng kanilang mga sasabihin.
Aniya: "So it is a character assassination. Kailangan lang natin magdala ng mga tao na marunong umarte sa gagawin nating plano.
"Rehearsals, meron naman kaming mga ipababasa. Basta more or less, sasabihin namin yung personality ni Senator Ralph Recto."
Si Recto ay mister ng Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto.
Ikinakabit din sa kontrobersiya ito si Batangas First District Representative Leandro Leviste.
Bagamat sinabi ni Alias Ken hindi niya personal na kilala si Leviste, inamin niyang ilang beses umanong nababanggit ang pangalan nito sa mga pag-uusap nila ni Paras.
Read: Ynez Veneracion reacts to ex-manager Lito de Guzman's NBI arrest
WHY ALIAS KEN DID NOT BRING CELEBRITIES WITH NAMES
Sa panayam, ipinaliwanag din ni Alias Ken kung bakit wala siyang isinamang mga artistang may pangalan noong araw na naganap ang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang hotel sa Maynila.
Aniya:"Saka ayokong magdala ng may pangalan na kasi kawawa rin naman. What if kung may pangalan ang dinala ko dun, kawawa naman."
Inamin din ng talent manager mabigat ang naging epekto ng insidente sa kanyang pamilya at sa kanyang kabuhayan.
"Very emotional kasi, unang-una, pamilyado akong tao. Unang-una, legit businessman po ako.
"I do films, I produce films, I'm handling talents, I produce concerts.
"So, naaapektuhan yung pamumuhay ng pamilya at pamumuhay ko."
Read: Talent manager claims Leviste behind plot against Recto — NBI
JING PARAS WILLING TO COOPERATE
Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang abogado ni Paras na si Atty. Mark Tolentino nitong Miyerkules, Agosto 5.
Kinumpirma ng abogado na humarap na sa NBI ang kanyang kliyente, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel, at handa umano itong makipagtulungan sa imbestigasyon.
Pahayag ni Tolentino: "As legal counsel for Congressman and former Secretary Jacinto 'Jing' Paras, we confirm that our client has formally appeared through counsel before the National Bureau of Investigation (NBI) and has fully expressed his willingness to cooperate with every lawful investigation, consistent with his constitutional rights and the fundamental requirements of due process.
"Our client has absolutely nothing to hide."
Sinagot din ni Tolentino ang naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nagtuturo kay Paras bilang "pasimuno" o mastermind ng sinasabing "honey trap" scheme laban sa ilang opisyal ng gobyerno.
Mariing itinanggi ito ng abogado.
Aniya: "We categorically reject Secretary Jonvic Remulla's statements prematurely branding former Congressman Jing Paras as the alleged 'pasimuno' of the supposed scheme."
Idiniin din niyang wala pang korte o prosecutorial authority na nagdedeklarang nagkasala ang kanyang kliyente.
"At this stage, there has been no finding by any court, nor has any competent prosecutional authority determined that Mr. Paras committed any offense."
Binigyang-diin pa ni Tolentino na dapat pairalin ang presumption of innocence at due process habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
"Public officials must exercise restraint in making statements that effectively pronounce an individual guilty before the completion of a fair and impartial investigation.
"The Constitution guarantees every person the presumption of innocence and the right to due process," saad niya.
Read: Vilma Santos: "Kapag hindi ka guilty, hindi ka dapat matakot."