PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy pickpocket hunter vows to keep fighting despite FB takedown

Mervin Dayagro: “Nalungkot po ako nang bahagya pero hindi ako titigil."
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
mervin dayagro pickpocket hunter
After earning praise for confronting pickpockets in Rome's Metro Subway, Filipino pickpocket hunter Mervin Dayagro says his Facebook page was taken down for allegedly violating community standards.
PHOTO/S: Facebook

Hinangaan at pinuri ang mga Pilipinong sina Mervin Dayagro at Jordan Tamayo dahil sa pakikipagsuntukan nila sa Peruvian pickpockets sa loob ng Metro Subway ng Rome, Italy, noong Hulyo 13, 2026.

Nakunan ng video at mabilis na nag-viral ang eksena ng pakikipagsagupaan nina Mervin at Jordan sa mga mandurukot na ininsulto ang pagiging Pilipino nila.

Tumanggap ng mga papuri, maraming mga news outlet at news program sa Pilipinas ang nag-interbyu sa dalawang Pilipinong pickpocket hunters sa Rome tungkol sa katapangan na kanilang ipinamalas.

Pero may kapalit ito: ang pagbabawal o pagbubura ng Rome media sa Facebook page ni Mervin na Mervin D. Hunter.

Ang dahilan: ang paratang na nagpo-promote o advertising violence ang mga video niya na nagpapakita ng kanyang paghabol, paninigaw, at pag-spray ng pintura sa mga pinaghihinalaang mandurukot sa Metro Subway.

“Nawala na naman po ang FB page ko. Pinabura ng media ng Roma,” pagtatapat ni Mervin nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Miyerkules, Agosto 5, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Three days ago po nang mabura dahil community standard daw po, advertising violence.

"Marami naman po ang gumagawa nun pero ako lang ang pinukol nila. Mas marami ang pickpocket hunter na mas malubha ang ginagawa kesa sa mga ginagawa ko po."

Read: 2 Pinoys recount viral fistfight with pickpockets in Rome subway

MERVIN VOWS TO CONTINUE HIS ADVOCACY DESPITE FACEBOOK TAKEDOWN

Sa kabila ng pagbubura sa kanyang Facebook page, sinabi ni Mervin na hindi siya titigil sa pagsawata sa mga pickpocket.

Saad niya: “Nalungkot po ako nang bahagya pero hindi ako titigil.

"Hindi po ako titigil sa aking adbokasiya dahil ang mabuting Pilipino, hindi lamang sa Pilipinas gumagawa ng mabuti kundi sa ibang bayan.

“Gusto ko po ipakita na bilang mabuting Pilipino na nasa ibang bayan, ito ang way ko na magkaroon ng bahagi sa sociedad na ginagalawan ko.

“Gusto ko ng pagbabago, at baka loobin ng Diyos, e, isang Pinoy ang makagawa ng ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanggap daw ni Mervin na bahagi ng pagiging pickpocket hunter nito ang pagpapasara sa kanyang Facebook page, pero nangako siyang magbubukas ng bagong social media account para maibahagi sa publiko ang mga video ng pagtugis niya sa mga pickpocket sa Rome.

Read: Meet the Pinoys behind viral pickpocket brawl in Rome

POSITIVE RESULTS DESPITE DANGER

Mapanganib ang ginagawa ni Mervin pero ayon sa kanya, hindi siya natatakot dahil may magandang resulta ang ginagawa niya.

Ayon sa kanya, wala nang masyadong mga pickpocket sa Metro Subway dahil umiiwas na ang mga mandurukot kapag nakikita siya.

May regular na trabaho sa isang hotel si Mervin, pero may oras siya para maging pickpocket hunter tuwing umaga bago pumasok sa trabaho at kapag pauwi na siya.

Mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi, tumatambay si Mervin sa Metro Subway para habulin ang mga mandurukot na bumibiktima sa mga pasaherong harap-harapang dinudukutan pero walang magawa dahil higit na nangingibabaw ang takot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After earning praise for confronting pickpockets in Rome's Metro Subway, Filipino pickpocket hunter Mervin Dayagro says his Facebook page was taken down for allegedly violating community standards.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results