Hindi kayang makipagkaibigan sa ex-girlfriend, nakatanggap na ng indecent proposals, at handa nang magpaseksi sa pelikula.
Ito ang ilan sa mga rebelasyon ni Jeric Gonzales sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda na naganap nitong Huwebes, Agosto 6, 2026.
Bago nangyari ang interbyu, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap ang Kapuso actor.
Nabanggit nito ang kagustuhang muling mag-aral.
Nursing graduate si Jeric at hindi pa nakakakuha ng board exam, pero gusto niyang mag-aral ng Medicine o Culinary Arts.
Nang sabihin ng Cabinet Files na puwede siyang mag-enroll ng kursong Medicine sa University of Sto. Tomas pero baka magkita sila ng ex-girlfriend na si Rabiya Mateo, walang emosyong nagrehisto sa mukha ni Jeric.
Read: Ruru Madrid explains why he now respects brother-in-law Kai Sotto
BREAKUP WITH RABIYA MATEO
"January 2025" ang sagot ni Eric nang itanong ng Cabinet Files ang eksaktong petsa ng paghihiwalay nila ni Rabiya.
Diumano, walang saulian ng mga gamit na nangyari pero hindi na sila nag-usap mula noon.
Tinanong naman siya ni Boy Abunda tungkol sa kanyang naramdaman nang malaman niyang magkarelasyon na sina Rabiya at Jake Cuenca.
Ayon sa Kapuso actor: “At first, honestly, I don’t know what to feel kasi parang awkward na your ex, nagkaroon na ng bago.
"Ganoon yata siguro talaga yung feeling, pero I realized na I should be happy for her.
“We ended good naman and we’re friends... I mean, not friends-friends, pero we’re good friends na we can reach out to each other every time na kailangan namin.”
Read: Jake Cuenca confirms relationship with Rabiya Mateo
JERIC DENIES RUMOR LINKING HIM TO A MOVIE PRODUCER
Pinabulaanan naman ni Jeric ang mga balitang nag-uugnay sa kanila ni Sucil Nipa, ang pawnshop owner at producer ng pelikulang kanyang pagbibidahan.
Matunog na "Madam" ang tawag niya sa movie producer.
Saad niya: “Ngayon lang ako magsasalita, pero it’s not true. Yung producer namin, si Madam, is a family person and a very private person.
“She’s my producer. Professional lang po, ganoon lang.
"It just happened na may nag-video sa amin and then na-misinterpret.
“Ang laman ng video was I’m singing and parang she’s hugging me. Parang natutuwa lang."
Read: Jeremiah Rosales' wife Jhen Go admits affair during his rehab stay