PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Award-winning actor Mon Confiado accepts lead role in VMX movie

Mon Confiado says Emilio Aguinaldo role defined his career.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
mon confiado vmx
After more than 300 films in a career spanning three decades, Mon Confiado says playing Emilio Aguinaldo in Heneral Luna and Quezon remains his most defining role. The veteran actor also explains why he accepted his first lead role in a VMX film.
PHOTO/S: VMX Global Facebook

Mahigit tatlong dekada na sa showbiz industry ang award-winning actor na si Mon Confiado.

Nagsimula ang kanyang acting career noong 1992 sa Shake, Rattle & Roll IV, at mula noon ay nakagawa na siya ng mahigit 300 pelikula.

Pero sa dami ng kanyang mga naging proyekto, may isang karakter na nananatiling pinakamahalaga para sa kanya — bilang si Emilio Aguinaldo sa Heneral Luna (2015) at Quezon (2025).

“Ang Emilio Aguinaldo roles, yan ang nag-define sa akin. Marami akong nagawa na magaganda ang karakter ko pero ang problema, hindi blockbuster. Yung Heneral Luna [2015] kasi blockbuster kaya nahila ako [paitaas],” ani Mon.

mon confiado as emilio aguinaldo
Mon Confiado as Emilio Aguinaldo in Heneral Luna (left) and Quezon (right)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MON CONFIADO TAKES ON NEW CHALLENGE IN VMX MOVIE

Ngayon, muli siyang haharap sa panibagong hamon bilang bida sa VMX movie na Ang Modista.

Ayon kay Mon, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto dahil nagustuhan niya ang kuwento at ang karakter na kanyang gagampanan.

Saad ng aktor: “Medyo na-challenge ako. Number one, yung script, tapos gusto ko yung direktor [Ronald Batallones] dahil magaganda ang mga script at track record niya.

“Challenge sa akin ang VMX. Nabibilib ako sa VMX kasi alam natin ito lang ang gumagawa, e.

"Siguro sa tanda ko na sa industriya natin, hindi ko tinitingnan kung sexy. Wala na akong worries.

“In fact, kahit naman noong nagsisimula ako, gumagawa ako nang mga ganyan.

“Hindi sexy na ako ang ibinebenta. Sina Gardo Verzosa yon, yung mga sumikat pero ako, laging kontrabida sa mga pelikula ng Seiko Films, El Niño Films."

Hindi rin itinanggi ni Mon na nakasabay siya noon sa uso ng sexy pictorials, bagamat hindi iyon ang naging sentro ng kanyang karera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-stars ni Mon sa Ang Modista sina Micaella Raz at Kim Yashii.

ang modista vmx

Read: Ruru Madrid explains why he now respects brother-in-law Kai Sotto

WHY MON CONFIADO NO LONGER WANTS TO PRODUCE MOVIES

Sa tagal ni Mon sa industriya, may kakayahan na rin sanang mag-produce ng sarili niyang pelikula, lalo na para sa VMX.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunman, sinabi ni Mon na wala na siyang planong pasukin muli ang produksiyon dahil sa hindi magandang karanasan niya noon.

Paliwanag niya: “Alam naman natin na medyo mahirap mag-produce ng pelikula sa panahon ngayon, although ang VMX talaga ang pinaka-possible na venue ng mga producer dahil magsa-submit ng script, aaprubahan ng Viva.

"Kapag na-approve, magpo-produce ka na lang. Kumbaga, binili na nila.

“Napaso na ako kasi dati may mga ganyan ako. Nag-produce ako noon, tulad ng Room Service. Walang bumalik [sa puhunan].

"Kasi nung time na yon, mahirap talaga. Kahit sa Cinemalaya, nakikipag-co prod ako."

Dagdag pa ng beteranong aktor, wala rin siyang balak pasukin ang pagdidirek. Mas gusto raw niyang manatiling artista.

Read: Pinoy pickpocket hunter vows to continue advocacy despite Facebook takedown

THE GREATEST INHERITANCE FROM HIS FATHER

Bukod sa kanyang mahabang karera, ipinagmamalaki rin ni Mon ang pamana sa kanya ng kanyang amang si Angel Confiado, isang batikang character actor na pumanaw noong Oktubre 21, 2006, sa edad na 93.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
angel confiado
Angel Confiado
Photo/s: YouTube

Sa dami ng pelikulang nagawa ni Mon, nalampasan na niya ang rekord ng kanyang ama bilang aktor.

Pero pagdating sa negosyo at investments, aminado si Mon na hindi niya matutumbasan ang husay ng kanyang ama.

Si Angel ang nagmamay-ari noon ng malawak na ari-arian sa kanto ng EDSA at Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City, na ngayo'y nagkakahalaga na ng daan-daang milyong piso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magaling sa investment ang tatay ko, matandang tao kasi. Pati sa Sampaloc, maraming properties yon,” pagmamalaki ni Mon.

Gayunman, para sa kanya, higit sa anumang ari-arian ang pinakamahalagang ipinamana ng kanyang ama—ang talento sa pag-arte, isang pamana na hindi kailanman mananakaw.

Read: Ruru Madrid explains why he now respects brother-in-law Kai Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After more than 300 films in a career spanning three decades, Mon Confiado says playing Emilio Aguinaldo in Heneral Luna and Quezon remains his most defining role. The veteran actor also explains why he accepted his first lead role in a VMX film.
PHOTO/S: VMX Global Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results