PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela still haunted by 2023 bar brawl incident

Awra Briguela admits intense online bashing pushed her to say, "Ayoko na."
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
awra briguela fast talk
Awra Briguela breaks down as she admits the online bashing after her 2023 bar incident made her want to give up. She also opens up about accountability, her family's support, and why she is now standing up for herself.
PHOTO/S: GMA Network

Inamin ni Awra Briguela na kabilang siya sa mga social media personalities na madalas makatanggap ng intense bashing online.

Dumating pa umano siya sa puntong gusto na niyang sumuko.

Emosyunal itong ibinahagi ni Awra sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Agosto 7, 2026.

Naniniwala ang TV and movie personality na nagsimula ang matinding pambabatikos matapos siyang masangkot sa kaguluhan sa isang bar sa Poblacion, Makati City, noong Hunyo 2023, na nauwi sa kanyang pagkakaaresto.

awra briguela bar brawl
Awra Briguela hogged headlines in June 2023 after she was detained by the police for getting involved in a brawl in Makati City.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang umiiyak, ibinahagi ni Awra kung paano niya araw-araw nilalabanan ang epekto ng mga batikos.

Saad niya: “After ng pagkakamali ko, marami pa rin ang mga sinasabi.

"Up until now po na nag-aaral ako, lalo na ngayong college ako, araw-araw po ayoko na po talaga.

"Pero ang iniisip ko po kasi, yung mga kapatid ko, yung parents ko na hindi ako sinukuan na lumalaban para sa akin. Sila po yung nagiging motivation ko po.

"Pero kung ako lang po, ayoko na talaga, kasi kahit naman po anong gawin ko, parang wala lang po.”

Sa kabila ng lahat, sinabi ni Awra na isa sa pinakamahalagang aral na natutunan niya ay ang tanggapin ang kanyang pagkakamali sa halip na ipagtanggol ito.

Aniya: “Hindi ko ide-defend yung pagkakamali ko and yung pagkakamali, kailangan matuto ka talaga.

"And kung talagang nagsisisi ka, hindi mo na uulitin. Nagsisi po talaga ako sa ginawa ko.

"Gusto ko lang pong ma-realize ng mga tao at ipaalaala sa kanila na I was just kid, I was a teenager, nineteen years old lang po ako nang mangyari yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

AWRA BRIGUELA STILL GETS HATE

Muli ring binalikan ni Awra ang insidente noong 2023.

Ayon sa kanya, nauunawaan niyang doon nagsimula ang galit ng maraming netizens. Gayunman, hindi raw niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng matinding poot.

Iginiit din niyang matagal nang natapos ang kaso at ginawa na niya ang lahat upang managot sa kanyang naging pagkakamali.

“Actually, alam ko naman po kung saan nagsimula sa pagkakamali na nagawa ko noong 2023.

"Pero the rest, hindi ko na po alam kung saan nanggaling yung ibang bashing or hatred sa akin.

"Kasi lahat naman po ng ginagawa ko ngayon is para sa sarili ko po.

“Yung nangyari pong yon is matagal nang tapos and yung mga cases po dismissed na.

"Halos isang taon ko po na hinarap yung kaso and humingi po talaga ako ng tawad sa lahat ng involved privately at nag-take po talaga ako ng accountability.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And it took me more than a year para maka-move on and para mag-start ulit sa pagkakamaling nagawa ko.

“Hindi ko po alam kung saan nanggagaling yung hatred sa akin ngayon.

"Pero siguro po, sa gender identity ko or siguro sa preferred pronouns ko po, hindi sila masaya," himutok ni Awra.

Read: Awra Briguela calls out professor over “disrespectful” remark

AWRA VOWS NOT TO KEEP SILENT ANYMORE

Matapos ang ilang taong pananahimik, sinabi ni Awra na nagpasya siyang ipagtanggol na ang kanyang sarili ngayong 2026.

Nag-ugat umano ang desisyong ito matapos siyang muling mabatikos online sa unang araw pa lamang ng taon.

Aniya: “Ilang taon ko po pinilit manahimik and parang this year po talaga, napagdesisyunan ko na ito yung taon para mag-stand up for myself.

“Sinimulan ko siya, especially nung January 1 po. Ako po yung unang bunot, ako po yung unang na-bash o napag-tripan online and tinray ko po na sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bagong taon na bagong taon po, bina-bash ako tungkol sa veneers ko, tungkol sa ngipin ko, kesyo ganito raw po.

“Sumagot po ako tapos nag-promise ako sa sarili ko na ito yung taon na hindi ako papayag na i-bully. Hindi ako papayag i-bash nang walang dahilan.

“This year yung promise ko sa sarili ko na mag-stand up for myself.”

Read: Awra Briguela proudly launches her new "Latina" look

AWRA'S MILESTONES TURN INTO HATE

Sa huling bahagi ng panayam, tinanong ni Boy kung alin ang pinakamasakit na bashing na kanyang natanggap.

Hindi raw ang mga personal na insulto ang pinakamasakit para sa kanya.

Mas masakit umano kapag kahit ang mga milestone at tagumpay niya ay nagiging dahilan pa rin ng pambabatikos.

Partikular niyang binanggit ang kanyang senior high school graduation noong nakaraang taon.

“Kapag may achievement po ako, yung achievement na yon, ita-try pa rin nilang i-convert sa hate, lalo na po nu’ng graduation ko last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gumradweyt po ako ng senior high school and hindi ko naman kung kasalanan kung paano ako ia-address nung mga news or articles kung anong preferred na pronouns ko.

"Pero even sa winning moment ko po, nakikitaan pa rin nila ng mali.

“And yun po ay dahil hindi lang sila masaya sa pronouns kong she, her.

"Pero wala po talaga akong pakialam kahit tawagin nila akong 'Sir" kasi hindi ko naman ipinipilit yung pagkatao ko sa kanila.”

Ano ngayon ang pinakamalaking pangarap ni Awra bilang isang young transgender woman matapos ang lahat ng pinagdaanan?

Sagot niya: “Siguro po ngayon ang pangarap ko na lang is itawid ko ito.

"Parang ang pangarap ko na lang makayanan ko ang mga pinagdadaanan ko ngayon and maitaguyod ko yung pamilya ko, lalo na may sakit ang mama ko.

"Siguro ang pinakapangarap ko ngayon is makabawi ako sa sarili ko at maka-graduate ko.”

Read: Awra Briguela apologizes over misdirected rude reply

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela breaks down as she admits the online bashing after her 2023 bar incident made her want to give up. She also opens up about accountability, her family's support, and why she is now standing up for herself.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results