PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Nepo baby, nakulong dahil sa shoplifting

Nepo baby, sinampahan ng reklamong theft.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
blind item nepo baby shoplifter
ILLUSTRATION: Chat GPT

Nahaharap sa reklamong theft o pagnanakaw ang isang female nepo baby.

Inakusahan siya ng shoplifting sa insidenteng nangyari sa malawak na mall sa isang siyudad sa Metro Manila ngayong linggong ito.

Nakalaya na ang akusado sa bisa ng piyansa.

Bilang proteksiyon sa pagkatao at privacy niya, nakiusap sa mga kinauukulan ang mga nagmamalasakit sa kanya na huwag nang palakihin ang isyu.

Pinagbigyan ang pakiusap ng pamilya ng nepo baby, pero mabilis pa ring kumalat ang balita dahil hindi napigilan ng ilang mga saksi na magsalita.

Napagkukuwentuhan ng mga saksi ang pangyayari dahil kilala sa lipunan ang mga magulang ng nepo baby.

Pero imbes na husgahan, kinakaawaan ang nepo baby.

Pilit na inuunawa ng mga nakakaalam sa kuwento ang pagkakamaling ginawa ng nepo baby dahil posibleng may malalim na dahilan.

Read: Jeric Gonzales reacts to Rabiya Mateo-Jake Cuenca relationship

LEGAL IMPLICATIONS OF SHOPLIFTING

Nakasaad sa website ng isang law firm ang impormasyon na ang pagnanakaw sa tindahan o pagkuha ng gamit mula sa retail store ay isang kriminal na pagkakasala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May malaki itong legal na kahihinatnan dahil maaari itong magresulta sa parehong kriminal at sibil na pananagutan.

Maaaring arestuhin at ikulong habang isinasagawa ang paunang imbestigasyon ang mga sangkot sa shoplifting.

Kapag napatunayang nagkasala, maaaring makulong o magmulta ang akusado at depende ito sa halaga ng ninakaw niya.

Maaaring magkaroon din siya ng criminal record na maghahatid ng pangmatagalang epekto sa trabaho niya, civil rights, at maging sa kanyang pagbiyahe sa ibang bansa.

Read: Pinoy pickpocket hunter vows to continue advocacy despite Facebook takedown

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results