PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela to undergo breast augmentation in December 2026

Awra Briguela reveals next step in her transition journey
by Jojo Gabinete
Published 7 hours ago
awra briguela transition
Awra Briguela opens up about her gender transition journey, revealing plans to undergo breast augmentation in December 2026 before eventually having her much-anticipated sex reassignment surgery.
PHOTO/S: Instagram

Kasunod ng rhinoplasty procedure na isinagawa sa kanya noong Hulyo 2026, nakatakdang sumailalim ang TV and movie personality na si Awra Briguela sa mammoplasty o breast augmentation sa Disyembre 2026.

Ito ang ibinhagi ni Awra nang makausap siya ng Cabinet Files si Awra matapos ang guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang linggo.

Ayon kay Awra, bahagi ng kanyang transition ang balak na breast enhancement procedure.

Susundan ito ng pinakamimithi niyang sex-reassignment surgery.

Ang pagpapaayos ng ilong at pag-inom ng hormone pills ang umpisa raw ng transition niya.

Lahad ni Awra: "This year po talaga, nag-start po ako mag-transition.

"What I mean by that po is nag-start po akong mag-consult sa endocrinologist, sa tamang pag-inom po ng hormones [pills] ko.

"Kasama rin po yung physical transformation ko, hindi lang po sa pag-transition ko into transgender woman.

"Kailangan ng right amount ng hormones para maayos po ang pag-transition ko. Kailangan talagang mag-consult sa endocrinologist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinanggi ni Awra ang pagkakaroon niya ng mood swings dahil sa epekto ng kanyang iniinom na hormone pills.

Read: Awra Briguela still haunted by 2023 bar brawl incident

AWRA'S CHILDHOOD DREAM: TO BECOME A TRANS WOMAN

Bata pa lamang daw si Awra ay pangarap na niyang maging transwoman.

Saad niya: "Growing up po, hindi ako nagkaroon ng struggle, coming out of my closet.

"So, bata pa lang po ako, tanggap na ako ng parents ko, especially po ng tatay ko.

"So, growing up, alam ko po talaga na pagdating ng araw, magpapa-sex reassignment po ako.

“Bata pa lang po ako, talagang alam ko na darating ako sa point na yon.

"It's just that in-enjoy ko lang po yung journey ko sa pag-aartista.

"Even lahat ng mga nakakakilala sa akin, alam po na talaga magta-transition ako. It's just hinahanap ko yung perfect time kung kailan.”

Read: Eric Fructuoso, Aga Muhlach become showbiz's newest fitspiration after dramatic weight loss

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AWRA'S "LATINA LOOK" FULFILLED

Incidentally, ipinagmamalaki ni Awra ang pagkakagawa sa ilong nito na ginaya niya mula sa Spanish model at social media star na si Cindy Kimberly dahil marami ang nagagandahan sa kanya ngayon.

Pero nagulat daw siya dahil sa mga taong nagsasabing naging kahawig niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kendra Kramer mula nang magpaayos siya ng ilong.

“Hindi ko po in-expect na si Catriona Gray or Kendra [Kramer] po yung magiging kamukha ko, sabi nila.

“Iba po yung naramdaman ko na saya kasi marami po ang nagandahan and marami ang um-agree na bagay po sa akin yung ilong ko."

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

THE REASON WHY AWRA TOOK UP PSYCHOLOGY

Second year na sa kursong Psychology si Awra sa University of the East.

May kaugnayan daw sa patindi nang patinding online bashing sa kanya ang pagkuha niya ng kursong Psychology, para maunawaan daw niya nang husto ang ugali ng mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabila ng paghingi ni Awra ng tawad sa publiko dahil sa kanyang mga nakaraang pagkakamali, nahihirapan pa rin ang mga taong tanggapin at paniwalaan ang pagpapakumbaba niya.

Nabanggit ni Awra na transgender woman din si Brione, ang kanyang nakababatang kapatid na nag-aaral ng Law sa De la Salle University.

Pinahahalagahan daw ng pamilya ni Awra ang edukasyon kaya kahit mahirap ang buhay, hindi sila humihinto sa pag-aaral ng lahat ng kanyang mga kapatid.

Read: Awra Briguela undergoes nose enhancement to fulfill "Latina" look

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela opens up about her gender transition journey, revealing plans to undergo breast augmentation in December 2026 before eventually having her much-anticipated sex reassignment surgery.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results