PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu, Bianca de Vera pair up anew in Regal movie

DustBia Movie Ba’t ‘Di Na Lang Tayo? gets official announcement.
by Jojo Gabinete
Published 5 hours ago
bianca de vera dustin yu direk jason paul
Bianca de Vera and Dustin Ty are officially reuniting for Ba’t ‘Di Na Lang Tayo?, a new romantic film from Regal Entertainment Inc. directed by Jason Paul Laxamana (inset).
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ba’t ‘Di Na Lang Tayo? ang pamagat ng pelikulang pagbibidahan ng rumored real-life couple na sina Dustin Yu at Bianca de Vera.

Mula ito sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana at produksiyon ng Regal Entertainment Inc.

Opisyal na inanunsiyo ang muling pagtatambal nina Dustin at Bianca sa pelikula sa DustBia concert, ang Love, Actually..., na ginanap sa New Frontier Theater noong Sabado ng gabi, Agosto 8, 2026.

Una silang nagtambal sa Metro Manila Film Festival 2025 official entry na Love You So Bad, kasama si Will Ashley.

Nakausap ng Cabinet Files sina Direk Jason, Bianca, at Dustin ilang linggo bago nangyari ang official announcement tungkol sa proyekto nila sa Regal.

direk jason dustbia ba't di na lang tayo
Writer-drirector Jason Paul Laxamana, Bianca de Vera, and Dustin Yu
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BA'T DI NA LANG TAYO?

Si Jason ang sumulat ng kuwento ng Ba’t ‘Di Na Lang Tayo? kaya siya ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa pamagat na pinili niya para sa DustBia movie.

Paliwanag ng direktor: “Honestly, ang daming pinagdaanan ng title nito.

"Pero at the end of the day, we wanted something na magre-resonate sa mga tao, kasi takot magmahal yung mga kabataan pero gusto nila.

“So ngayon, yung title na pinili ko answers the question na, 'Kung mahal ninyo ang isa’t isa, bakit hindi na lang kayo? What’s preventing you from being tayo?'

“Tapos feeling namin, kapag question yung title, mas nakakaintriga siya sa audience.

"Kasi we’re trying to find out kung ano yung sagot nila sa tanong.”

May kinalaman daw ang kuwento sa kanyang personal na karanasan dahil takot din siyang magmahal.

Saad ni Direk Jason: “Well, ako mismo takot akong bumuo ng pamilya, kasi parang iniisip ko pa lang yung bills ko, yung mga kailangan kong i-prioritize, parang napapa-question ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano yon nagagawa ng older generation na on top of surviving, paano nila nagagawa ng paraan na makahanap ng partner, makahanap ng time na bumuo ng pamilya na apat yung anak?

“Hindi ko ma-imagine. So, parang from that observation sa sarili ko, in-assess ko bakit ganoon.

"Na-realize ko na hindi pala ako nag-iisa sa ganito."

Sinubukan daw ni Direk Jason na tanungin ang kanyang mga magulang pero hindi niya nakuha ang tumpak na kasagutan.

“Hindi rin sila pamilyar sa sitwasyon ng kabataan ngayon so yung mga answer na nakukuha ko, parang hindi rin nagma-match,” aniya.

Read: Awra Briguela still haunted by 2023 bar brawl incident: "Bina-bash pa rin ako."

WHY DUSTIN AND BIANCA?

Gaano niya katagal isinulat ang script, at bakit sina Dustin at Bianca ang pinili niyang magbida sa Ba’t ‘Di Na Lang Tayo?

Lahad ng writer-director: “Last year, may meeting ako sa Regal. and they’re asking for a romance project, at nasulat ko siya siguro first quarter of this year.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi ako nahirapan kasi parang ideas kept flowing while writing.

“Everytime I write, hindi ko pa iniisip ang cast. Parang habang isinusulat ko siya, Regal proposed na, 'What if DustBia?'

“Nag-agree naman ako kasi nakita ko na sila and na-excite din ako akong makatrabaho ang younger artists.

"So eventually, nung tinatapos ko yung script, ini-imagine ko na sila yung cast and na-excite ako lalo. Napabilis ang pagtapos ko sa pagsusulat ng script.”

Para naman kina Dustin at Bianca, isang pangarap na natupad ang makatrabaho si Direk Jason na kilala sa paggawa ng romantic-drama movies.

Sabi ni Dustin: “Dream come true na maka-work si Direk Jason Paul Laxamana.

“Fan ako ng mga project niya. Malalim kasi si Direk. Malalim siyang gumawa ng kuwento.

"Hindi basta rom-com. Palagi siyang may bali.

"Sobrang suwerte ko lang na dati na nanonood lang ako ng movies niya, ngayon ididirek na niya ako.

“Ang sarap sa puso and looking forward ako sa shooting namin kasi nagwo-workshop na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLIND ITEM: Nepo baby, nakulong dahil sa shoplifting

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca de Vera and Dustin Ty are officially reuniting for Ba’t ‘Di Na Lang Tayo?, a new romantic film from Regal Entertainment Inc. directed by Jason Paul Laxamana (inset).
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results