Inamin ni David Licauco na naapektuhan siya sa sinabi ng dating ka-loveteam na si Barbie Forteza sa presscon ng pelikula ng aktres na Saving Cherry noong Agosto 3, 2026.
Deklara ng Kapuso actress: “Si Khalil is the ideal leading man. Finally, nagkaroon na ako ng leading man na maayos.”
Si Khalil ang kapareha ni Barbie sa Saving Cherry ng Regal Entertainment Inc.
Naging kontrobersiyal ang pahayag ni Barbie sa media conference ng pelikula dahil kahit hindi siya nagbanggit ng pangalan, may mga naghinalang patama kay David ang kanyang sinabi.
DAVID LICAUCO REACTS TO BARBIE FORTEZA'S DECLARATION
Ang nabanggit na isyu ang itinanong kay David nang pumirma siya ng kontrata para sa mga digital series na kanyang gagawin sa Viva One, noong Agosto 7, 2026.
Hindi niya itinangging naapektuhan siya, pero konting-konti lamang daw.
Saad ni David: "Siguro to a degree, yes, it affects me a little bit.
"Of course, you wanna be… siguro ayaw mo lang masyadong ma-stress, di ba?
"So, kapag may makikita kang stress-inducing stuff whatever, but I feel like I have my own life naman.
"So to really care so much, maybe a bit nga. Siyempre, you care about your image."
Ayon kay David, bukas pa rin siya sa posibilidad na makapareha si Barbie sa ibang mga proyekto.
“Well, I’m open to it. Kahit naman sino, gustong makipag-work kay Barbie.
"She’s a great actress, we all know that, so I’m open.
“Barbie is a big part of my success so if may opportunity, why not?
"If she wants to do it, I’ll do it.”
Nabuo at sumikat ang BarDa loveteam nina David at Barbie nang magkasama sila sa hit GMA-7 primetime series na Maria Clara at Ibarra (2022).
Read: Barbie Forteza shocks with "wildest virgin" role in Saving Cherry
IS BARDA LOVETEAM STILL ALIVE?
Napaisip si David bago ito nakasagot nang tanungin kung magpapatuloy pa rin ba ang BarDa loveteam nila ni Barbie o buwag na ito.
“I am not so sure, I am not so sure actually,” reaksiyon ni David.
“I think, at this point, we’re going solo. As you can see, like, kaya naman ako nandito, di ba?
"Also, Barbie is doing her own thing. I mean, ang dami niyang ginagawa ngayon na mga project, and I’m really happy for her.
“I’m really proud of her kasi yun naman talaga yung gusto niyang gawin. Ako naman, I’m doing my best also.
“It’s new for me, like, yung last show ko, I was with Jillian Ward. Hindi naman si Barbie Forteza yung kasama ko.”
Ang tinutukoy ni David ay ang teleseryeng Never Say Die, na nagwakas noong May 22, 2026.
Kumusta naman sila ni Barbie off-cam?
“Okay naman, I think we’re okay. Civil, I guess,” sabi ni David.
May makahulugang sagot si David nang tanungin kung nagkaroon sila ng problema ni Barbie dahil sa mga papuri nito kay Kahlil.
Aniya: “Paano ba sumagot ng showbiz, ‘no?
"Well, totoo naman, kasi si Khalil napakabait naman kasi talaga niyang tao. Kahit ako, gusto ko talaga siyang tao, like, he’s a friend of mine.
“Kapag nakita ko siya sa gym, I really talk to him. We talk for, like, maybe fifteen to twenty minutes.
"He’s really a nice person kaya for sure, yun din naman talaga yung magiging perception ni Barbie of him.
"If that’s her opinion, di ba, it’s okay.”
Masasabi ba ni David na professional actor siya?
“Professional? What do you mean?” balik-tanong niya.
“How do you describe being professional actor?” paglilinaw ng nagtanong kay David.
Sagot ng Kapuso actor: “Ang understanding ko ng professional is you get paid doing something, right?
"So, I feel like, yes, I’m a professional actor because I get paid by doing it.”
Read: David Licauco signs Viva One series, says GMA gave its blessing