PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pepe Herrera admits he was Intimidated by Jerald Napoles

Jerald Napoles and Pepe Herrera: From Rak of Aegis to best friends.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
jerald napoles pepe herrera
Pepe Herrera and Jerald Napoles look back on the friendship they formed while working together in the 2014 PETA musical Rak of Aegis, revealing how intimidation, collaboration, and personal struggles strengthened their bond.
PHOTO/S: Viva Films Facebook

Nagsimula ang pagiging magkaibigan nina Jerald Napoles at Pepe Herrera nang magkasama sila sa PETA musical play na Rak of Aegis noong 2014.

Ayon kay Pepe, nag-umpisa sa intimidation ang pagkakaibigan nila dahil intimidated siya kay Jerald.

Pero imbes na umiwas, inilapit daw niya ang sarili.

Lahad ni Pepe: “Kapag nai-intimidate ako, lalo kitang lalapitan. Hindi kita lalayuan.

"So, kinilala ko po siya. I learned from him.

“Siya rin ang dahilan kung bakit naging kaibigan ko yung ilan sa industriya. Isa si Je sa parang naging tour guide ko.”

FROM COLLABORATION TO FRIENDSHIP

Kinumpirma ni Jerald na malaki ang kinalaman ng Rak of Aegis sa nabuong magandang samahan nila ni Pepe dahil ito ang nagturo sa kanya tungkol sa musika.

Saad niya: “Si Pepe, matagal ko nang nakatrabaho, hindi pa po kami artista.

"Ang subok na subok ko kay Pepe kapag nagtrabaho, collaborative kami at saka willing kaming magtulungan na mag-adjust para sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For example lang, lagi kong ikinukuwento, nung Rak of Aegis, dahil mas nauna ako sa teatro kesa kay Pepe, some of the notes, in terms of characters, nanggagaling sa akin papunta kay Pepe na collaboration namin.

"At since Music major si Pepe, yung pagiging OC at detalye sa pagkanta, mas nagpapaturo ako sa kanya.”

Pero pambubuking ni Pepe: “Eventually itinigil mo na ang pagpapaturo sa akin kasi nilalandi mo na si Kim. E, si Kim, mas magaling magturo.”

Ang "Kim" na tinutukoy ni Pepe ay ang misis ni Jerald na si Kim Molina, na co-star din nila sa Rak of Aegis.

Read: Awra Briguela to undergo breast augmentation in December 2026

jerald napoles pepe herrera rak of aegis
Jerald Napoles (left) and Pepe Herrera in Rak of Aegis
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakakalimutan ni Pepe na si Jerald ang dumamay sa kanya nang maghiwalay sila noon ng ex-girlfriend niya.

Diumano, sinamahan siya ni Jerald sa isang bar sa Malate, Maynila, at inabot ng ala-sais ng umaga ang kanilang pag-uusap.

Napakapribadong tao ni Pepe, at si Jerald ang isa lamang sa mga iilang sinasabihan niya ng mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Pagbabahagi ni Jerald: “Pinapahalagahan namin ni Pepe na iilan lang po kami talaga na galing sa teatro na nakatawid sa industriya ng showbiz.

"Sa dami ho ng artista sa showbiz, na hindi naman lahat magiging kaibigan mo, parang gusto naming mapanatili yung relationship namin bilang magkaibigan.

“At nagkataong bibihira rin yung talagang magkaibigan kayo tapos madalas kayong magkatrabaho. So, I think it’s a blessing.

"So, itong pagkakaibigan namin, I think forever.”

Napag-usapan ang malalim na pagkakaibigan nina Pepe at Jerald dahil sila ang mga bida sa road trip movie na Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa, isa sa maraming pelikulang pinagsamahan nila, na mapapanood sa mga sinehan simula sa Agosto 26, 2026.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: David Licauco affected by Barbie's “ideal leading man” remark

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pepe Herrera and Jerald Napoles look back on the friendship they formed while working together in the 2014 PETA musical Rak of Aegis, revealing how intimidation, collaboration, and personal struggles strengthened their bond.
PHOTO/S: Viva Films Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results