Hindi makapaniwala si Gerald Anderson na makakasama niya sa entablado ang mga pinagpipitagang artista at direktor sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Nangyari ito sa forum para sa 100 Sine. Film. Pelikula The 100+Greatest Movies of Philippine Cinema book launch na ginanap sa Cinema 3 ng Red Carpet, Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, nitong Lunes, Agosto 10, 2026.
Ang libro ay akda ng veteran entertainment editor at journalist na si Jo-Ann Q. Maglipon, at ni Joel David, ang unang graduate ng film course ng University of the Philippines.

Kasama sa listahan ng 100 Sine. Film. Pelikula ang On The Job, ang pelikula ni Gerald na idinirek ni Erik Matti at ipinalabas noong 2013.
Co-stars niya rito sina Piolo Pascual, Joel Torre, at Joey Marquez.

THE YOUNGEST AMONG THE VETERANS
May dahilan para mamangha si Gerald dahil kahilera niya sa entablado ang veteran at award-winning actors at directors.
Kabilang sa panel ang mga premyadong artista na sina Charo Santos-Concio, Phillip Salvador, Gina Alajar, Amy Austria, Richard Gomez, Ara Mina, at Tirso Cruz III.
Kasama rin ang mga batikang direktor na sina Carlitos Siguion-Reyna, Joel Lamangan, Joey Reyes, Ellen Ongkeko-Marfil, at Jeffrey Jeturian. Humabol din sina Chito Roño at Antonette Jadaone.
Sa hanay naman ng producers ay present sina Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, at si Charo ng Star Cinema.
Kinatawan naman ni former Senator Grace Poe ang kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.
Si Gerald, 37, ang pinakabata sa grupo.
Read: Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project

Kitang-kita ang malaking interes at taimtim na pakikinig ni Gerald sa mga kuwento ng mga artista at direktor na malaki ang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Aliw na aliw siya sa mga anekdota na narinig mula sa kanyang mga iginagalang na artista.
Nang mabigyan siya ng pagkakataong magsalita, ipinagtapat niya ang stress na kanyang nararamdaman.
Saad niya: “Sa totoo lang po, kanina pa ako nai-stress dito kasi hindi ko po alam kung paano ako na-invite at napasama pa dito sa stage with these incredible people who have done so much para sa industriya.
“Hindi ko po yata nabasa nang maayos yung invite. Mabuti na lang, hindi ko pa nabasa kasi ito pala ang mangyayari.
“Nahihiya po ako kasi siyempre you have to be in the presence of these kind of people who have done so much para sa industry.
“Nevertheless, maraming salamat po sa invitation, and I am very proud to be here.
"Pinapakinggan ko po yung mga story nila. It’s motivating me so much para magtrabaho.”
on the job
Twenty-one years old lang si Gerald nang magbida sa On The Job.

Pagbabalik-tanaw niya: “That was the time of my life and my career where I wanted to really focus on the craft.
"Kasi lahat po ng project ko, I was in a loveteam, so I wanted to kinda transition into trying to be an actor, the best actor I could be.
“Yun na po, sunud-sunod na po, after OTJ, Budoy.
"Because when you always challenge yourself, you feel uncomfortable at hindi ka sure kung kaya mong gawin.
“That’s when beauty happens and the magic happens.
"So, sa awa po ng Diyos, nung edad na yon, medyo makapal po ang mukha ko and talagang naglakas-loob na ako.”
Read: Gabby Lopez sells 25.7% Lopez Inc. stake to Ramon Ang for “family peace”