Ang Brutal (1980), Salome (1981), at Moral (1982) ang tatlo sa labing-isang pelikulang ginawa ni Gina Alajar na kasali sa listahan ng 100 Sine. Film. Pelikula The 100 + Greatest Movies of Philippine Cinema.
Ang libro ay akda ni Jo-Ann Q. Maglipon, sa pakikipagtulungan ni Joel David, Ph.D.
May espesyal na puwang sa puso ni Gina ang Brutal, Salome, at Moral dahil si Alma Moreno at hindi siya ang first choice para gumanap sa mga karakter na kanyang binigyang-buhay sa mga nabanggit na pelikula.
Amg Brutal at Moral ay idinirek ng yumaong National Artist na si Marilou Diaz-Abaya, habang ang Salome ay idinirek ang actress-director na si Laurice Guillen.

“Brutal, Moral, and Salome were special kasi second choice ako sa tatlong peikula na ito. Each one either earned an award or a nomination kaya super special sila,” rebelasyon ni Gina sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
Kahit second choice si Gina, siya ang hinirang na pinakamahusay na aktres sa 5th Gawad Urian para sa Brutal noong 1981.
Nang sumunod na taon, 1982, itinanghal naman siyang pinakamahusay na aktres sa 6th Gawad Urian dahil kanyang hindi matatawarang pagganap sa Salome.
Read: Actress-director Gina Alajar recalls her bold-star years
Ang iba pang mga pelikula ni Gina na nakasama sa libro ay Bayan Ko: Kapit sa Patalim (English title: This Is My Country), Orapronobis (English title: Fight for Us), Manila by Night, Pabling, Sister Stella L., Bulaklak sa City Jail, Kaya Kong Abutin ang Langit, at Tatlo… Magkasalo.
Itinuturing din ni Gina na espesyal ang mga ito dahil sa magagandang alaalang iniwan sa kanya.
Saad ng premyadong aktres: “Lahat naman ng movies na nakalista ay espesyal sa akin, except sa Pabling na hindi ko matandaan kung ano ang role ko. Most likely, special participation ako sa movie.
“Each one is special kasi may special memories sila.
"Bayan Ko: Kapit sa Patalim and Orapronobis opened my eyes sa mundo ng politics, violence against humanity, and how movies can expose these things para mamulat ang taong bayan.
"Kaya naman nahirapang ipalabas sa mga sinehan ang mga pelikulang ito during its time."

Read: Charo Santos recalls Mike de Leon's fiery temper in Kisapmata
KAPIT SA PATALIM AND ORAPRONOBIS
May ipinagtapat naman si Gina tungkol sa pagdalo niya sa 37th Cannes Film Festival sa Cannes, Franco, noong Mayo 1984, kasama ang direktor na si Lino Brocka at ang co-star niyang si Phillip Salvador.
Naroon sila para sa pelikulang Bayan Ko: Kapit sa Patalim.
Lahad ni Gina: “Diyan ko rin naranasan na patagong magdala ng kopya ng pelikula sa Cannes Film Festival.
"Patago rin namin ginawa ang pelikula, nandun kami sa Cogeo [Antipolo City] na hindi pa kilala noon, para walang nakakapanood ng shooting namin.
“So every shooting day, we quietly arrive on the location site para hindi maka-attract ng attention.
“Ganyan din ang nangyari sa Orapronobis [1989].
"Though hindi isinali sa festival, it created a big noise too dahil dalawang pelikula na tumalakay sa mga violence sa dalawang magkaibang administrasyon."
Mainit noon sa mata ng mga opisyal ng militar at mga makapangyarihan sa pamahalaan ang Kapit Sa Patalim at Orapronobis.
Tinalakay sa mga nasabing pelikula ang mga paglabag at pang-aabuso sa mga karapatang pantao, gamit ang karahasan, sa panahon ng magkasunod na administrasyon ng mga dating Pangulo na sina Ferdinand Marcos Sr. at Cory Aquino.
Read: Grace Poe recalls FPJ's ingenuity in the making of Panday movies

100 SINE. FILM. PELIKULA: The 100+ Greatest Movies in Philippine Cinema retails for P1,799, and is available on leading bookstores National Bookstore and Fully Booked as well as online via Shopee and Lazada.