Ilang araw nang lumalabas sa social media ang balitang isang Filipino at hindi na ang Mexican businessman na si Raul Rocha ang may-ari ng Miss Universe Organization (MUO).
Nababanggit ang pangalan ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na bagong may-ari dahil sa mga clue o pahiwatig na Asian o Filipino ang nakabili umano sa Miss Universe Organization.
Upang alamin kung may katotohanan ito, isang malapit kay Singson ang tinanong ng Cabinet Files.
“Ongoing ang pagbili niya,” sabi ng Cabinet Files source.
“He is already negotiating with the Miss Universe,” kasunod na pahayag ng taong pinagkakatiwalaan ni Singson.
Ibig sabihin, walang katotohanang nabili na ni Singson ang Miss Universe Organization.
Read: Chavit Singson wants to buy Miss Universe Organization
SINGSON INTERESTED TO BUY MISS UNIVERSE ORGANIZATION
Noong Enero 2026, kinumpirma ni Singson sa mga panayam na makikipagpulong sila ng kanyang anak sa mga dating Miss Universe Organization officials na sina Paula Shugart at Shawn McClain.
Nagpahayag si Singson ng interes na bilhin ang Miss Universe Organization, pero inamin niyang marami siyang pagdaraanan.
Sinabi niyang sangkot sa kaso ng drug trafficking si Raul Rocha; samantalang may warrant of arrest si Anne Jakrajutatip, ang Thai trans woman na dating may-ari ng Miss Universe Organization na nawawala at pinaghihinalaang nagtatago sa Mexico.
“I am fed up with that delusional fool and his daughter making statements, dreaming of something he wouldn’t be able to achieve in a hundred years. Keep dreaming my lawyers will put an end to your fairy tales,” Instagram story post ni Rocha noong Enero 3, 2026.
Hindi nagbanggit ng pangalan si Rocha pero pinaghihinalaang patungkol kay Singson ang maanghang na mensahe niya dahil nakarating sa kanya ang pahayag at intensiyon ng dating Ilocos Sir governor na bilhin ang Miss Universe Organization.
Matagal nang hindi aktibo si Rocha sa social media.
Noong unang linggo ng Agosto 2026, muling hiniling ng Attorney General’s Office ng Mexico na maglabas ng arrest warrant para sa kanya dahil sa pagkakasangkot niya sa money laundering.
Read: Raul Rocha, tinawag na "delusional fool" si Chavit Singson