Parang muling naging bata ang pakiramdam ng aktres at Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo sa unang araw ng pagpasok niya sa University of Sto. Tomas (UST) ngayong Huwebes, Agosto 13, 2026.
Freshman student si Rabiya ng Faculty of Medicine and Surgery.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagpasok niya sa paaralan dahil sa mga larawang ibinahagi ng The Flame, ang official student publication ng UST Faculty of Arts and Letters.
Caption nila sa post: “Miss Universe 2020 and freshman of the Faculty of Medicine and Surgery Rabiya Mateo take pictures with her fellow Thomasians as they conclude their walk through the Arch of the Centuries on Thursday, Aug. 13.”
Read: Charo Santos recalls Mike de Leon's fiery temper in Kisapmata
RABIYA MATEO'S FIRST DAY OF SCHOOL
“I am so happy. Today is our ROARientation and I feel like a kid again. I’m excited to learn pero aware din ako na hindi siya madali. Para akong bata talaga,” kuwento ni Rabiya.
Mainit na tinanggap ang beauty queen-actress ng mga kapwa niya mag-aaral sa ROARientation at Thomasian Welcome Walk na ginanap sa UST Quadricentennial Pavilion.
Tinanong ng Cabinet Files si Rabiya kung hindi siya nahirapan sa pagpunta sa UST mula sa Taguig City dahil sa masikip na daloy ng trapiko na epekto ng malakas na buhos ng ulan.
Sagot niya: “So far, uwian po ako. Hindi pa naman ako naiipit sa traffic.
"Super-aga ko po talaga umaalis from bahay.”
Inspiradong-inspirado si Rabiya dahil ang pag-aaral niya ang unang hakbang ng katuparan ng kanyang pangarap maging doktor.
Walong taon na ang nakalilipas nang magtapos siyang cum laude ng kursong Bachelor of Science in Physical Therapy Program sa Iloilo Doctors’ College, Iloilo City, noong 2018.
“Eight years in the making itong pangarap na ito,” ani Rabiya.
Kumusta ang pagtanggap sa kanya ng mga kaklase niya sa UST?
“Nagkakahiyaan pa rin. Yung friends ko, yung mga ipinanganak ng ‘90s. Tatlo lang kami sa batch, the rest, 2000s na!” natatawang kuwento ni Rabiya.
Read: Jake Cuenca proud as Rabiya Mateo pursues Medicine at UST