Ang Philippine adaptation ng 2013 Thai horror-romance movie na Pee Mak ang launching movie ng loveteam nina Wilbert Ross at Bea Binene.
Debut movie rin ito ng Cup of Joe vocalist na si Gian Bernardino.
Ang Pee Mak ang unang pelikula ni Gian.
Matagal nang pangarap ni Gian maging aktor kaya sa mga miyembro ng Cup of Joe, siya lamang ang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency at Viva Films.
Nangyari ang look test nina Wilbert, Bea, Gian, at ang kanilang co-stars na sina Jairus Aquino, TJ Valderrama, at Vandolph Quizon, para sa Pee Mak noong Miyerkules, Agosto 13, 2026.
Agad nag-trend sa X nang lumabas ang kanilang mga larawan.

Read: Wilbert Ross at Bea Binene, bibida sa Pinoy adaptation ng Pee Mak
NEW LOOK FOR PEE MAK CAST
Nag-iba ang mga hitsura ng male cast ng Pee Mak.
Bukod sa kanilang mga binagong hairstyle, pinagamit sila ng prosthetic teeth para sa pelikula ng Viva Films na mula sa direksiyon ni Victor Villanueva.






Isang oras bago naganap ang look test, nagpagupit ng buhok si Wilbert kay Master Jun Parcero, ang kanyang paboritong barbero, bilang paghahanda sa karakter na gagampanan niya.
Kuwento ni Wilbert sa Cabinet Files: “Isiningit ko talaga na magpagupit kay Master Jun, an hour bago ang look test namin.
"Third week of August, mag-start na ang shooting namin para sa Pee Mak.
“Nagpapayat po ako para bumagay lalo sa mukha ko ang short hair. Tapos, pinanood ko ang mga past adaptation ng Pee Mak."
Ang Pee Mak ay pinagbidahan ng popular Thai actor na si Mario Maurer noong 2013.
Ang Pee Mak ang isa sa mga itinuturing na pinakamatagumpay na Thai movie.
Pinilahan ito sa mga sinehan nang ipalabas ito sa Hong Kong, Cambodia, Malaysia, Taiwan, Singapore, Myanmar, Brunei, at Japan.
Tinatayang kumita ang Pee Mak ng isang bilyong baht (PHP1.8 billion).

Read: Amy Austria reveals brutal experience filming "Brutal" slap scene