Inilabas ng Cabinet Files noong Enero 8, 2026 ang ulat tungkol sa contract signing na naganap sa pagitan nina Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures, businesswoman-philantrophist Pinky Tobiano at dating gobernador na si Luis “Chavit “ Singson para sa pelikula na co-production venture nila, ang Red Crown.
Tungkol sa buhay ng mga aspiring beauty queen ang kuwento ng Red Crown, at saksi sa idinaos na contract signing sina Shuvee Etrata, Faith Da Silva, at Bianca Manalo.
Noong Hulyo 2026, lumitaw ang Instagram account ng Queen of the Islands PH kaya marami ang nag-akala na bagong tatag ito na beauty pageant.
Lalong umingay ang Queen of the Islands PH nang ilabas nito ang listahan ng dalawampu’t limang opisyal na kandidata na kinabibilangan ng mga dating beauty queen na sina Michelle Dee, Ahtisa Manalo, MJ Lastimosa, Gazini Ganados, Ariella Arida, Herlene Budol.
Kasama rin ang mga aktres na sina Sanya Lopez, Ashley Ortega, Haley Dizon, AZ Martinez, Faith, at Shuvee.
Marami ang nagulat dahil sa pagsali ng mga nabanggit na artista sa Queen of the Islands PH.
Tila nakalimutan nila na posibleng may koneksyon sa pelikula na gagawin ng GMA Pictures at ng movie outfit nina Singson at Tobiano ang nasabing patimpalak.
Read: Chavit Singson-GMA Pictures movie collab, kaabang-abang
QUEEN OF THE ISLANDS PH
May alok ang pageant na PHP25 million na premyo sa mapalad na magwawagi.
Naging kapani-paniwala na isang bagong beauty pageant ang Queen of the Islands PH dahil sa panayam kay Tobiano na ipinakilala bilang may-ari at founder ng Queen of the Islands PH Organization.
"Queen of the Islands is a very exclusive pageant, by invitation only and you’ll see who’s the real queen ng beautiful island. Bakit island?
"What makes the Queen of the Islands very special? Unang-una, by invitation. Napakaraming nag-apply, ang daming gustong maging parte pero we have to choose.
"Kailangan may it factor among all the beauty pageants, iba ang Queen of the Islands kaya kailangan ninyong abangan ito.It’s so special, it’s so exclusive,” ang pahayag ni Tobiano, pero wala itong binanggit na para sa pelikula ang Queen of the Islands PH pageant.
Read: Shuvee Etrata recounts story of crying attendant in restroom