PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Angel Castro the new VMX queen?

Angel Castro, formerly known as Claire, is all set to shoot her second VMX film.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
Is Angel Castro the new VMX queen?
Former Kapuso actress Claire Castro feels overwhelmed with the success of her first VMX film Creampie.
PHOTO/S: @angelvcastro_ Instagram

Gumawa si Angel Castro ng kasaysayan sa VMX dahil ang Creampie ang most- viewed title o pinakamalakas sa lahat ng mga pelikula na napapanood sa nabanggit na streaming platform.

"Pinakamalakas na pelikula ng VMX sa loob ng tatlong taon," ang pagsasalarawan ng isang VMX executive tungkol sa malakas na hatak ng launching movie ni Angel.

Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa tagumpay na tinatamasa sa kasalukuyan ng Creampie, na patunay na hindi siya nagkamali sa desisyong magpalit ng screen name at maging isang mapangahas na sexy actress.

“I’m shocked,” ang reaksyon ni Angel nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Sabado, Agosto 15, 2026.

“I’m shocked for myself that my debut project was a big hit, but I shoud have expected it as well because Direk Rodante Pajemna Jr. films always do so well.

“I’m honored din because the bond I built with the whole cast is really solid till now,” pahayag ni Angel.

May dahilan para maging masaya siya dahil nagdiwang siya ng kaarawan noong Agosto 11, at ang tagumpay ng Creampie ang isa sa mga hindi makalilimutan na regalo na natanggap niya.

Read: Former Kapuso actress Angel Castro rebrands, joins VMX

MARK DIONISIO ALL PRAISES FOR ANGEL CASTRO

Si Mark Dionisio ang line producer ng Creampie at siya ring leading man ni Angel sa pelikula.

Para kay Mark, si Angel ang bagong VMX Queen dahil sa nakakagulat na lakas ng Creampie.

Naniniwala rin si Mark na si Angel ang dahilan kaya marami ang nanonood sa VMX ng kanilang pelikula.

“Sobrang masaya ako dahil according to the bosses, record-breaking po ang success ng Creampie.

"Mas lalo ako na-inspire na mag-produce pa ng mas maraming movies.

"Sa palagay ko po, si Angel Castro ang pinaka-main na dahilan kung bakit tinangkilik ang Creampie. Inaabangan talaga siya ng manonood ng VMX.

“It was an honor and pleasure na ako po ang nakapareha ng new VMX Queen sa unang VMX movie niya."

Angel Castro and Mark Dionisio pair up in VMX film Creampie
Angel Castro with leading man Mark Dionisio

CREDIT FOR THE WHOLE TEAM

Nagbigay papuri rin si Mark sa iba pang bumubuo ng pelikula.

"Pero siyempre po, sinabayan po yun ng magandang kuwento, magagaling at maiinit na eksena mula sa iba pang cast.

"And also, ang direktor namin na si Direk Roe Pajemna, blockbuster director talaga yan.

"Lahat ng mga ginagawa niya na pelikula, tinatangkilik po talaga ng mga manonood,” lahad ni Mark nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files para sa reaksyon niya tungkol rito.

Tiniyak ni Mark na masusundan pa ang proyekto na pagbibidahan ni Angel, dahil mag-uumpisa na ang shooting Threesome sa Setyembre.

Si Mark ulit ang line producer, at mula pa rin sa direksyon ni Pajemna.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Kapuso actress Claire Castro feels overwhelmed with the success of her first VMX film Creampie.
PHOTO/S: @angelvcastro_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results