PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu and Bianca de Vera reveal their dynamics at work

Bianca: "May times talaga na sobrang halata yung pagka-opposite namin."
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Dustin Yu and Bianca de Vera reveal they are opposites at work
Bianca de Vera on working with Dustin Yu: “Siyempre kailangan na i-separate pa rin namin kung ano ba talaga kami bilang isang loveteam at bilang mag-bestfriend na sobrang close kasi magkaiba ‘yon."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang Love You So Bad, na official entry sa 51st Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2025, ang unang pelikula ng loveteam nina Dustin Yu, 25, at Bianca de Vera, 24.

Muli silang magtatambal sa Ba’t ‘Di Na Lang Tayo? ng Regal Entertainment Inc. kaya ang mga natutunan nila tungkol sa ugali ng isa’t isa ang kanilang ibinahagi sa panayam ng Cabinet Files.

Ayon kay Dustin, malaki ang naitulong ng pagsasama nila ni Bianca sa Love You So Bad dahil nakilala niya nang husto ang pagkatao ng kanyang kapareha.

"Ang natutunan ko sa Love You So Bad kung paano katrabaho si Bianca, kung paano maging comfortable.

"And I would say talagang nakatulong yung movie sa loveteam namin at sa gagawin namin na bagong pelikula.

"Ang dami kong natutunan sa kanya—yung pagiging patient niya sa set, yung dynamics namin, kung paano kami on and off screen, paano kami mag-throw ng lines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro yun ang mga makakatulong sa movie namin ngayon lalo na yung pagiging comfortable sa isa’t isa,” ang kuwento ni Dustin.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa mga producer ng Regal Entertainment Inc. at sa direktor na si Jason Paul Laxamana dahil sila nila ni Bianca ang napili bilang mga bida sa Ba’t ‘Di Na Lang Tayo?

Read: Rita Gaviola calls out KoolPals over viral Badjao remarks

BIANCA DE VERA ON SEPARATING REEL FROM REAL

Magagamit naman ni Bianca sa bagong proyekto nila ni Dustin ang mga natuklasan niya sa set ng Love You So Bad tungkol sa aktor na ibang-iba ang ugali kesa sa kanya.

Sabi ng aktres, “Marami kaming natutunan both sa Love You So Bad, pero yung isa talaga na feeling ko na magagamit ko sa Ba’t ‘Di Na Lang Tayo? is also how we work on our dynamics.

"Kasi pakiramdam ko hindi sapat na porke close kami or nagsasama kami halos araw-araw sa work o matagal na kaming magkakilala, e, enough na yon para makapag-build ng chemistry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre kailangan na i-separate pa rin namin kung ano ba talaga kami bilang isang loveteam at bilang mag-bestfriend na sobrang close kasi magkaiba ‘yon.

"There’s a thin line between the two, so when I worked with him in Love You So Bad, parang naging iba yung dynamics namin."

Read: Maris Racal spotted anew with rumored non-showbiz boyfriend

DIFFERENCE IN ACTING STYLE

Kuwento pa ni Bianca, iba rin daw ang style nila pagdating sa trabaho.

"Mas nakilala ko siya. Kapag nag-work siya, merong times pala na kailangan ko na mag-isolate. Medyo nagte-take time pala siya kapag actor’s cue.

"Pagdating pa lang sa set, nagse-set na siya ng mood so siyempre bilang co-actor niya, professionally, kailangan mong irespeto.

"Hindi mo siya puwedeng kulitin kasi ako sobrang kulit. Ako yung pagdating sa set, ‘Hi everyone!’ pero si Dustin, opposite ko.

"So may times talaga na sobrang halata yung pagka-opposite namin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca de Vera on working with Dustin Yu: “Siyempre kailangan na i-separate pa rin namin kung ano ba talaga kami bilang isang loveteam at bilang mag-bestfriend na sobrang close kasi magkaiba ‘yon."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results