Ang Team Viva Records ang itinanghal na champion sa inaugural Viva All Star Games na ginanap sa jampacked Smart Araneta Coliseum noong Linggo, Agosto 16, 2026.
Ang ilan sa mga miyembro ng Team Viva Records ang singers na sina Arthur Nery, Migo Valid, Adie, Rob Deniel, Amiel Sol, Matthaios, Jeremy G, at Juan Caoile.

Sina Marco Gallo, Lance Carr, Gab Lagman, Joseph Marco, Jairus Aquino, Jerome Ponce, Rabin Angeles at Wilbert Ross ang team members ng Viva One.
Si Migo Valid ng Xerenade ang hinirang na Most Valuable Player.

Kasama rin siya sa Mythical Five na kinabibilangan nina Gab, Adie, Jeremy G., at Jairus.
TEAM VIVA ONE VS TEAM VMX
Ang Team Viva One ang nanalo sa volleyball game. Tinalo nila ang Team VMX.

Ang grupo rin nila ang nagwagi sa Cheerdance competition dahil sa kanilang buwis-buhay na pagtatanghal.
View this post on Instagram
Ilan sa mga miyembro ng Team VMX sina Angeli Khang, Robb Guinto, Micaella Raz, Apphle Celso, Apple Dy, Christy Imperial, at Christine Bermas.
Maingay ang laro sa pagitan ng Team Viva One at Team VMX dahil umalingawngaw sa loob ng Big Dome ang “Vivamax!” chant mula sa manonood bilang suporta sa VMX girls, na parang mga school girl sa kanilang uniform na suot.
Read: ABS-CBN Broadcasting Center's Sgt. Esguerra gate permanently closed
KILIG MOMENTS
Kinilig at nagtilian ang fans nina Wilbert at Bea Binene sa eksena nila.
Nang maka-shoot ng bola si Wilbert, patakbo siyang lumapit at yumakap kay Bea kaya dumagundong sa loob ng Smart Araneta Coliseum ang malakas na hiyawan ng kanilang mga tagahanga.

Supportive leading man si Jairus kay Nicole Omillo dahil pinanood niya ang kabuuan ng volleyball match bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang ka-loveteam at kapareha sa Viva One series na Our Yesterday’s Escape.
Si Jairus ang nanguna sa pagkanta ng birthday song at nagbigay ng cake para kay Nicole, na nagdiwang ng ika-28 kaarawan noong Sabado, Agosto 15.
Ito ang pangalawang pagkakataong ipinagdiwang ni Nicole ang kanyang kaarawan sa Big Dome dahil birthday rin niya nang maganap ang matagumpay na Vivarkada Concert noong Agosto 15, 2025.
View this post on Instagram
Ang magkabalikan sina Marco Gallo at Heaven Peralejo ang hiling ng kanilang mga tagahanga na personal nasaksihan ang malambing na pakikitungo ng dalawa sa isa’t isa sa Viva All Star Games.
Read: Heart Evangelista gets candid about “hindi ko ma-take” influencer