Naging “waterworld" ang Metro Manila at ang maraming bayan sa Luzon dahil sa malawak at malalim na pagbaha na sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan ngayong Lunes, Agosto 17, 2026.
Ang masungit na lagay ng panahon ang dahilan ng maagang pagdedeklara ng pamahalaan ng Quezon City na walang pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Martes, Agosto 18, 2026.
Ito ay dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan.
Binabatikos ang Quezon City government dahil ito ang isa sa mga nahuhuli sa pagpapatupad ng suspensiyon ng klase sa tuwing masama ang panahon kaya deactivated ang comments section ng kanilang official Facebook page.
Ito ang dahilan kaya nagulat ang mga residente ng siyudad sa maagang pagdedeklara ng lokal na pamahalaan na walang klase sa Martes sa lahat ng mga antas ng paaralan.
Read: Rita Gaviola calls out KoolPals over viral Badjao remarks
MICHAEL FLORES CALLS OUT LOCAL GOVERNMENT UNITS
Para naman sa Local Government Units (LGU) ang Facebook post ng aktor na si Michael Flores na dismayado bilang isang magulang dahil sa diumano’y “kapalpakan" sa suspensyon ng klase.
Himutok niya: “Classes are suspended, AGAIN! Utang na loob mga LGUs, common sense na lang! Kagabe pa malakas ang ulan! Dapat kagabe pa lang, cancelled na mga classes!
“Last week ilang beses na kayo pumalpak sa pag-suspend ng classes! Kung kelan nasa schools na mga bata, dun kayo mag-suspend!
"Sobrang hassle samin mga magulang na nagsusundo at hatid sa mga anak namin sa school, tapos baha pa sa labas!
"Paayos niyo muna mga flood control projects niyo na palpak! SENTIDO KUMON NAMAN."
Ang reklamo ni Michael ay sentimyento rin ng maraming magulang na may mga anak na basang-basa sa ulan nang pauwiin ngayong Martes dahil sa suspensyon sa afternoon class.
Makikita ang mga larawan nila sa social media habang sinasagupa ang malakas na ulan at malalim na baha na nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko sa maraming lugar sa Metro Manila at karatig-bayan.
MARK CARDONA'S POST
Iba naman ang eksena ng kontrobersiyal na basketball player na si Mark Cardona, aka Captain Hook, na ibinahagi sa social media ngayong Martes ang video ng pagtalon at paglangoy niya sa tubig-baha sa Araneta Avenue, Quezon City.
Caption niya: “Coach Tab dapat dito kayo nag-aqua training. Hahaha joke lang coach Tab for content only”
Ang caption niya ay patungkol sa Ateneo de Manila University (ADMU) American basketball coach na si Thomas Anthony “Tab” Baldwin, na sinisisi sa pagkamatay ng ADMU players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili na nalunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.
Read: DOLE fines Tab Baldwin, Ateneo PHP4.9M over work permit violation