Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, mapapanood tuwing Linggo ng 10 P.M. simula sa Setyembre 13, 2026 ang Gandang Gabi, Vice! (GGV).
Matutunghayan muli ang nagbabalik-telebisyong talk show ni Vice Ganda matapos ang anim na taong pamamahinga.
Unang natunghayan ang GGV sa Kapamilya Network noong Mayo 22, 2011.
Nagpaalam ito sa ere noong Marso 8, 2020.
Mapapanood ang GGV sa mababakanteng timeslot ng The Boobay and Tekla Show (TBATS), ang comedy talk show nina Boobay at Tekla na nag-umpisa noong Marso 1, 2018.
Dating magkatapat na programa ang Gandang Gabi, Vice! at TBATS.
Sa mga huling taon ng programa ni Vice sa ABS-CBN, tinatalo ito sa ratings ng comedy talk show nina Boobay at Tekla sa Kapuso Network.
Read: Vice Ganda brings back Gandang Gabi Vice on GMA-7
TIMESLOT SHAKE-UP
TBATS On The Go na ang pamagat ng programa nina Boobay at Tekla na ililipat sa araw ng Sabado.
Ilalagay sa Sunday timeslot ng GMA-7 ang Gandang Gabi, Vice!.
Mapapanood ang GGV pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ang top-rating news magazine program ng Kapuso Network.
Ipalalabas din ang Gandang Gabi, Vice! sa IWant TV, at ang mas mahabang bersiyon ng naturang talk show ang ihahatid ng streaming platform ng ABS-CBN.
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident