Ang malampasan ang sariling record sa HYROX ang kahilingan ni Marco Gumabao para sa 32nd birthday niya noong Agosto 14, 2026.
Natupad ang kanyang pangarap nang sumali siya sa HYROX Bangkok na ginanap sa Queen Sirikit National Convention Center, Bangkok, Thailand, noong Agosto 13.
“Yes, I was able to beat my previous record [1:20] by seven mins [1:13]! I was aiming sub- 70 but we’ll get that next time.
“Overall, I’m very happy with my performance. No injuries, cramps or whatsoever.
"I finished the race strong, although I feel like I could’ve pushed my runs more,” sabi ni Marco sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files nang bumalik siya sa Pilipinas mula sa Thailand.
Mahigit sa 2,000 ang lumahok sa HYROX Bangkok.
Ito ang ikatlong beses na pagsali ni Marco sa isang international competition na tatlong buwan niyang pinaghandaan at pinagpaguran.
Saad niya: “Aside from a three-month training block, a few days before the race I had to taper [lessen volume of workout] to let my body rest and be fresh for the race.
“I ate a lot of carbs, two to three days before the race.
"I also loaded myself with a lot of electrolytes to keep my sodium levels high because I sweat a lot especially during thae workout para iwas cramps.
“Lastly, it’s very important to have PT sessions before your race so your muscles are fresh.”
Read: Marco Gumabao turns 32 in Bangkok, eyes sub-70 HYROX time

BACK TO TRAINING FOR HYROX SINGAPORE
Nang bumalik si Marco sa Pilipinas galing sa Thailand noong Martes, hindi siya nagpahinga mula sa pag-eensayo bilang paghahanda naman sa HYROX Singapore na sasalihan niya at magaganap sa Nobyembre 27, 2026.
“For now, tuluy-tuloy pa rin ang training ko. I’ll be focusing more on runs this time.
"I am getting ready for mixed doubles for Hyrox Singapore on November 27," pahayag ni Marco.
Abala rin si Marco sa pagtutok sa bagong negosyo nila ng kanyang mga kaibigan, ang Dink Loft, ang premium pickleball indoor courts sa Marikina City na pormal na binuksan noong Agosto 8, 2026.
Katulad ng ibang mga showbiz personality at atleta, nahihilig si Marco sa paglalaro ng pickleball.
Ayon sa aktor, “novice” pa lang ang kanyang kategorya.
“Hindi pa naman ako super galing sa pickleball, siguro nasa novice pa lang ako na bracket, but it’s all about just having fun.
“Marami ang naa-addict sa pickleball ngayon. Actually, kahit ako, sobrang nae-enjoy ko ang pickleball.
"Kasi before, badminton ang bonding namin ng mommy ko.
“But now, yung mom ko, may problem sa hips, hindi siya nakakapaglaro, so nakakalungkot lang.
"If uso na dati ang pickleball noong bata pa ako, for sure pickleball ang bonding namin ng mommy ko,” lahad ni Marco.
Nagdiwang si Marco ng kaarawan niya sa Bangkok sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa international HYROX competition na sinalihan niya.
Read: Marco Gumabao ventures into pickleball business with friends