“Viva Hot Babe-turned-councilor Jaycee Parker, natupad ang birthday wish” ang headline ng exclusive interview ng Cabinet Files kay Jaycee noong Mayo 16, 2020.
Pero nakiusap siya na alisin ang “Viva Hot Babe” sa pamagat ng artikulo.
Walang sinabi na dahilan si Jaycee pero hindi pinagbigyan ang kanyang kahilingan dahil alam ng lahat ang katotohanan na dating miyembro siya ng sexy singing group na Viva Hot Babes.
Makalipas ang anim na taon, nanggaling kay Jaycee ang paliwanag tungkol sa desisyon niya noon na makawala mula sa anino ng Viva Hot Babes.
Nangyari ito sa media conference para sa Bulaklak, ang reunion concert ng grupo na magaganap sa Oktubre 23,2026 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
“Actually, nag-try ako na makalayo sa sexy image kasi getting into public service, medyo kailangan mong makawala sa image na ‘yon para hindi ka rin ma-bash ng constituents mo,” pagtatapat ni Jaycee.
"Pero kahit anong gawin ko, ganoon pa rin. Alam pa rin nila na Viva Hot Babes ako. So noon, kung itina-try ko na mawala yung image na ‘yon, ngayon ina-accept ko lang at ginagamit ko na, 'Ah talaga, dati akong Viva Hot Babes,' kaya natatandaan nila ako.
“Instead of staying away from it, ina-accept ko na lang siya. Ine-embrace ko na lang siya,” kuwento ni Jaycee na incumbent councilor ng Angeles City Council sa Angeles, Pampanga.
Read: Viva Hot Babe-turned-councilor Jaycee Parker, natupad ang birthday wish
ANDREA DEL ROSARIO can relate
Naunawaan ni Andrea del Rosario ang dilemma noon ni Jaycee dahil minsan nang sinubukan niya na makawala rin sa sexy image nang maglingkod siya bilang vice-mayor ng Calatagan, Batangas mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 30, 2019.
Ayon kay Andrea, "Ako rin, same path as Jaycee. There was a time especially nung nakaupo ako, I tried my very best to remove the stigma of just being a sexy symbol.
"So talagang I worked hard for it. Maraming na-turn down na mga show and movies ‘coz I owe it to the constituents, my constituents, to somehow mabigyan ng respeto yung posisyon ko at that time.
"That was my path and medyo nag-try ako na mag-stay sa path na ‘yon,” ang sabi ni Andrea.
Read: Chanda Atienza arrested in Kuala Lumpur, Lars Pacheco confirms
ON EMBRACING HER VIVA HOT BABE PAST
Nagpakatotoo siya at inaming nag-inarte siya sa huling pelikula na kanyang ginawa.
"As a matter of fact, the last movie I did, medyo nag-inarte ako kasi na-shock ako sa sarili ko.
"It was my fault but I realized recently, innate yata sa amin yung pagiging sensual. I think it’s something that you should embrace and feel that it’s not bad.
"It’s either you have it or you don’t, and I think the Hot Babes have that innately."