PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel Soriano shares advice of Dolphy with Bela Padilla

Maricel Soriano on Bella Padilla: "Wala kaming ginawa kundi ang magdaldalan."
by Jojo Gabinete
Published 10 hours ago
Maricel Soriano shares Dolphy's advice with Bela Padilla
Maricel Soriano on Bella Padilla: "She’s very intelligent, she’s a good actress and she’s pretty. At may 'K' siya. Meron siyang 'K.'"

Ang Saan Darating ang Umaga?” ang isa sa mga pinakamaganda na pelikula ni Maricel Soriano at ito ang kauna-unahan na proyekto niya sa Viva Films noong 1983.

Apatnapu’t tatlong taon na ang nakararaan buhat nang ipalabas ang Saan Darating ang Umaga sa mga sinehan noong Agosto 1983, pero hanggang ngayon, paulit-ulit at hindi pinagsasawaan na panoorin ang pelikula.

Pinagbidahan ito ni Maricel noong siya ay 18 taong gulang.

Fast-forward to present time, ang Life After You ang family drama movie na pinangungunahan ni Maricelle kasama sina Bela Padilla at child star na si Dani Zee.

Lola ni Dani ang karakter na ginagampanan ni Maricel sa Life After You na proyekto ng Viva Films, tulad nang Saan Darating ang Umaga at nakatakda na ipalabas sa mga sinehan sa Setyembre 9, 2026.

Nang itanong ng Cabinet Files kay Maricel kung alin ang higit na mapanakit ang kuwento, ang Saan Darating ang Umaga? o ang Life After You, sagot niya, “Parang pareho na masakit pero yung twist lang ang iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging masaya para kay Maricel ang shooting ng Life After You dahil ayon sa kanya, wala silang ginawa ni Bela kundi ang magkuwentuhan sa set.

"Ay naku! Ang bongga kasi wala kaming ginawa kundi ang magdaldalan nang magdaldalan," lahad ng beteranang aktres.

Puring-puri niya si Bela na itinuturing niya na parang anak.

Pagpapatuloy ni Maricel: "At saka iyakan yung mga eksena namin pero kaming dalawa, tawa nang tawa. Ano bang nangyari sa mga ito? Anong nangyari sa mga artista ko?

"Kasi nga masaya kami and she’s very intelligent, she’s a good actress and she’s pretty.

"At may 'K' siya. Meron siyang 'K.'"

Read: Chanda Atienza arrested in Kuala Lumpur, Lars Pacheco confirms

MARICEL SORIANO ON WORDS OF COMFORT TO BELA PADILLA

May iniwan din daw siyang payo kay Bela sa panahong nakikita niya raw ito na malungkot.

"Very nanay ako sa kanya. Very nanay niya ako. Naintindihan ko agad."

Sabi pa raw niya kay Bela: "Kasi minsan, alam mo yung sinabi ng Daddy Dolphy ko noong araw, ‘Anak, huwag ka nang malungkot kasi they cannot put a good actress down.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At yun ang masasabi ko sa yo ngayon kaya huwag ka nang malungkot anak."

Read: Dina Bonnevie recalls how she survived after split with Vic Sotto

TARATITAT BUT NOT MALDITA

Limampu’t limang taon nang aktres si Maricel dahil nag-umpisa noong 1971 ang kanyang acting career nang gawin niya sa Sampaguita Pictures ang My Heart Belongs to Daddy.

“Taratitat" pero hindi maldita ang natatawang pagsasalarawan ni Maricel sa sarili noong child star pa siya.

Aniya, “Hindi naman maldita, taratitat lang. Ay kasi po, madaming tanong, sagot agad. Parang okay ba ‘yung bata? Wala bang lagnat yan?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano on Bella Padilla: "She’s very intelligent, she’s a good actress and she’s pretty. At may 'K' siya. Meron siyang 'K.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results