Ang businesswoman na si Freda Luz Singson ang isa sa mga biktima ni Chanda Atienza, ang Dermacare Skin and Beauty Clinic founder at owner na inaakusahang utak ng investment scam at paglabag sa Securities Regulation Code.
Si Atienza ang dahilan kaya naglabas ng arrest warrant noong 2025 ang Pasay City Regional Trial Court para kina Rufa Mae Quinto at Neri Naig, ang mga dating celebrity ambassador ng kanyang kompanya.
Inaresto si Atienza at ang kapatid nitong si Vilma ng mga tauhan ng Royal Malaysia Police noong Agosto 21, 2026 sa Pavilion Mall, Bukit Bintang, Kuala Lumpur, Malaysia.
Naisakatuparan ito dahil kay Singson na ginawa ang lahat ng paraan upang mahuli ang suspek na nanloko umano sa kanya at sa maraming mga Pilipino.
“They are detained because of the cancellation of their passport in the system,” pagbabahagi ng beauty queen at social media influencer na si Lars Pacheco nang makausap ito ng Cabinet Files ngayong Linggo ng umaga, Agosto 23, 2026.