PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sushmita Sen accused of snubbing Miss Universe India 2026 winner

Sushmita Sen sparks favoritism claims at Miss Universe India 2026
by Jojo Gabinete
Published A day ago
sushmita sen miss universe 2026
Miss Universe 1994 Sushmita Sen has drawn criticism after a moment at the Miss Universe India 2026 coronation sparked speculation that she favored first runner-up Vaishnavi Ganesh (center) over newly crowned winner Kaziah Liz Mejo (left).
PHOTO/S: Instagram

Si Miss Universe 1994 Sushmita Sen ang isa sa mga hurado sa gabi ng koronasyon ng Miss Universe India 2026 na ginanap sa Jaipur, Rajasthan, India, noong Linggo, Agosto 23, 2026.

Nabahiran ng intriga ang partisipasyon ni Sushmita sa Miss Universe India 2026 dahil nang umakyat siya sa entablado matapos ianunsiyo ang mga nanalo, marami ang nakapuna sa kanyang malamig na pakikitungo kay Kaziah Liz Mejo, 19.

Si Kaziah Liz ang nagwaging Miss Universe India 2026.

Pinag-uusapan ang ikinilos ni Sushmita dahil malinaw na mapapanood sa video ang pagsampa niya sa entablado, ngunit imbes na batiin si Kaziah Liz, ang first runner-up at Miss India International 2026 winner na si Vaishnavi Ganesh, 25, ang kanyang agad nilapitan at kinausap.

Inayos pa ni Sushmita ang pagkakalagay ng korona na ipinutong kay Ganesh.

Ang eksenang ito ang pinag-ugatan ng mga haka-hakang si Vaishnavi at hindi si Kaziah Liz ang pinapaboran ni Sushimita na manalong Miss Universe India 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang dahilan kaya nakatanggap ng mga batikos sa social media si Sushmita.

Hindi pa naglalabas ng reaksiyon o pahayag si Sushmita tungkol sa ibinibintang sa kanyang snubbing incident.

Malapit sa puso ng mga Pilipino si Sushmita dahil napanalunan niya ang 43rd Miss Universe crown sa Pilipinas noong Mayo 21,1994.

Si Sushmita ang kauna-unahang Indian na nagwagi na Miss Universe, at ang ating bansa ang itinuturing niyang pangalawang tahanan.

Read: Shirley Kuan says Bea Alonzo "never defended me" amid wedding issue

CATRIONA GRAY'S CONNECTION TO MISS UNIVERSE THAILAND 2026 AND MISS UNIVERSE INDIA 2026

Magkasabay na idinaos noong Agosto 23 ang gabi ng koronasyon ng Miss Universe India 2026 at ng Miss Universe Thailand 2026.

Nagkaroon ng koneksiyon kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ang dalawang beauty pageant.

Sa final question sa Miss Universe Thailand 2026, ang pangalan ni Catriona ang isinagot ng nanalong si Tharina Botes sa tanong na “Which Miss Universe has inspired you the most and why?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imbitado naman si Catriona sa Miss Universe India 2026, pero hindi natuloy ang pagpunta niya sa India.

Nakasaad sa opisyal na pahayag na inilabas ng kanyang kampo: “Certain conditions required for her participation could not be met, she will unfortunately not be able to join.”

Nagbigay rin ng reaksiyon si Catriona tungkol sa naudlot na pagdalo niya sa koronasyon ng Miss Universe India 2026.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Instagram post ni Catriona: “So sorry to disappoint the fans. Was so excited to meet the wonderful fans from India and experience their beautiful country for the first time. Hopefully one day soon. All the best to all the contestants of MU India 2026!”

Read: Miss Universe Thailand 2026 Tharina Botes names Catriona Gray as her inspiration

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1994 Sushmita Sen has drawn criticism after a moment at the Miss Universe India 2026 coronation sparked speculation that she favored first runner-up Vaishnavi Ganesh (center) over newly crowned winner Kaziah Liz Mejo (left).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results