PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Niño Muhlach placed under 90-day preventive suspension by LTO

Niño Muhlach faces possible license suspension, reckless driving case.
by Jojo Gabinete
Published 11 hours ago
nino muhlach vehicular accident
Actor Niño Muhlach has been placed under a 90-day preventive suspension by the Land Transportation Office (LTO) following the vehicular accident in Antipolo City on August 23, 2026. The LTO also placed his vehicle under alarm status and ordered him to surrender his driver’s license to its Intelligence and Investigation Division (IID).
PHOTO/S: Courtesy of Maniel Diaz Mascarinas

Sasailalim si Niño Muhlach sa 90-day preventive suspension habang isinasagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon sa vehicular accident na kinasangkutan niya sa Marcos Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City, noong Linggo, Agosto 23, 2026.

Bukod sa preventive suspension, inilagay rin sa alarm status ang sasakyan at inatasan si Niño na isuko ang kanyang driver’s license sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO.

LTO ISSUES SHOW CAUSE ORDER

Inilabas ng LTO ang opisyal nitong pahayag hinggil sa aksidente ngayong Martes, Agosto 25.

Ayon sa ahensya, agad itong nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) at nagsagawa ng imbestigasyon sa direktiba ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

“Bilang bahagi ng mandato ng Land Transportation Office (LTO) na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa kalsada at ipatupad ang mga panuntunan para sa ligtas na pagmamaneho, agad na nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) at nagsagawa ng imbestigasyon ang ahensya sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, kaugnay ng insidenteng naganap sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal, na kinasangkutan ng sasakyang minamaneho ng isang aktor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa imbestigasyon at mga nakalap na ebidensiya, nawalan daw ng kontrol ang aktor sa kanyang sasakyan.

“Batay sa isinagawang imbestigasyon at mga nakalap na ebidensya, kabilang ang ulat ng Antipolo Component City Police Station, nawalan ng kontrol ang aktor sa minamaneho niyang sasakyan.

"Dahil dito, napunta ang sasakyan sa kabilang linya ng kalsada bago bumangga sa tatlong establisimyento at isang nakaparadang motorsiklo, kung saan isang indibidwal ang nagtamo ng sugat matapos mabangga ng sasakyan.”

Read: Shirley Kuan says Bea Alonzo "never defended me" amid wedding issue

NIÑO ADMITS FALLING ASLEEP WHILE DRIVING

Nauna nang inamin ni Niño na siya mismo ang nagmamaneho nang mangyari ang aksidente. Nakatulog daw siya dahil sa matinding pagod.

Ayon sa LTO, kinilala rin ng aktor ang kanyang pananagutan at ipinahayag ang kahandaang akuin ang personal at legal na responsibilidad sa insidente.

“Sa inilabas namang pahayag, inamin ng aktor na siya ang nagmamaneho ng sasakyan at kinilala ang kanyang pananagutan sa insidente matapos siyang makatulog habang nagmamaneho dahil sa matinding pagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipinahayag din niya ang kanyang kahandaang akuin ang buong personal at legal na pananagutan, kabilang ang pagtugon sa pangangailangan ng nasugatang indibidwal at sa mga pinsalang idinulot sa mga establisimyento.”

Bilang bahagi ng proseso, kailangang humarap ang registered owner at designated driver sa IID ng LTO para sa hearing na nakatakda sa Agosto 28, 2026.

“Inaatasan din silang magsumite ng sinumpaang paliwanag at mga kaukulang dokumentong maaaring magsilbing suporta sa kanilang panig kaugnay ng mga alegasyong nakasaad sa SCO.”

Maaari ring maharap si Niño sa mga kaukulang pananagutan para sa mga paglabag sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon ng LTO.

Kabilang dito ang reckless driving, gayundin ang posibleng pagsuspinde o pagbawi ng kanyang driver’s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

LTO: DON'T DRIVE WHEN TIRED OR DROWSY

Nagbigay naman ng matinding paalala si Asec. Lacanilao sa mga motorista tungkol sa panganib ng pagmamaneho nang pagod o inaantok.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: “Bago pa man paandarin ang sasakyan, dapat alam na ng driver kung kaya niyang manatiling alerto hanggang sa makarating sa kanyang destinasyon. Kung pagod o inaantok, huwag nang ipilit ang pagmamaneho dahil inilalagay lamang niya sa panganib ang kanyang sarili, pati na rin ang ibang motorista at mga taong nasa paligid.”

Dagdag ni Lacanilao: “Tungkulin ng LTO na ipatupad ang mga batas, at tungkulin ko ring hindi palampasin ang mga ganitong insidente. Isasailalim natin ito sa due process.”

Muling nanawagan ang LTO sa lahat ng motorista na maging maingat at responsable sa pagmamaneho.

“Kung pagod o inaantok, huwag nang ipilit ang pagmamaneho at maglaan muna ng oras upang makapagpahinga.

“Sa simpleng pag-iingat, maiiwasan ang aksidente at mapoprotektahan ang sariling buhay at kaligtasan ng ibang tao sa kalsada. Patuloy namang ipatutupad ng LTO ang mga batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada.”

Read: Niño Muhlach admits falling asleep at the wheel in Antipolo crash

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Niño Muhlach has been placed under a 90-day preventive suspension by the Land Transportation Office (LTO) following the vehicular accident in Antipolo City on August 23, 2026. The LTO also placed his vehicle under alarm status and ordered him to surrender his driver’s license to its Intelligence and Investigation Division (IID).
PHOTO/S: Courtesy of Maniel Diaz Mascarinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results