“Is It Over” ang pamagat ng debut single ni Angela Muji.
Ang kantang ito ang nagpaalaala sa mga tagahanga ni Angela na dati siyang miyembro ng P-pop Generation at may talento sa pagkanta bago naging aktres at kapareha ni Rabin Angeles sa mga Viva Original series na Dating Alys Perez at Seducing Drake Palma.
Komposisyon ng Dating Alys Perez director na si Crisanto Aquino ang "Is It Over," na hudyat ng pagiging solo recording artist ni Angela na pumapasok sa kanyang music era ngayong 2026.
Ikinukumpara ang "Is It Over" sa theme songs ng mga popular Korean series dahil sa lyrics at haunting melody ng awit ni Angela na mapanakit ng damdamin.
Mapapakinggan ang "Is It Over" sa mga digital streaming platform tulad ng Spotify at mapapanood sa YouTube ang music video nito.
May lyrics na “What did I do to deserve this?” ang debut single ni Angela.
Bumagay ito sa kanyang emotional breakdown scene sa Episode 11 ng Dating Alys Perez.
Napansin ng mga sumubaybay sa Dating Alys Perez ang mahusay na pagganap ni Angela sa nabanggit na eksena, at ipinagmamalaki ni Direk Crisanto.
“Can we give Angela Muji a round of applause for that breakdown scene?” reaksiyon ng direktor sa ipinamalas na galing sa pag-arte ni Angela.
“So proud of you, my Alys,” komento naman ni Direk Crisanto sa music video ng "Is It Over" na tungkol sa pagmamahalang nagwakas ang lyric.
Read: Shirley Kuan denies involvement in Bea Alonzo-Vincent Co prenup
DATING ALYS PEREZ INTERNATIONAL FOLLOWING
Napapanood sa buong mundo ang Dating Alys Perez kaya tumanggap si Angela ng mga pagbati mula sa mga tagasuporta nito.
Bumilib ang ilan sa kanila sa face card ng actress-singer, pati na sa kanya umanong Asian drama female-lead visuals, with J-drama, K-drama, at C-drama heroine vibes.
Isa ang Dating Alys Perez sa top series ng Viva One na pinag-uusapan sa social media.
Bukod sa Pinoy viewers, may international fans na ring gumagawa ng edits at reactions tungkol sa mga artista ng programa.