Nabigo si Ryan Mitchel Kolton na magwagi o magkaroon ng puwesto sa Mister USA 2026 na ginanap sa Area15, Las Vegas, Nevada, noong Linggo, Agosto 23, 2026.
Si Ryan ang kinatawan ng New York sa Mister USA, pero hindi siya pinalad manalo sa patimpalak-pangkalalakihan na kanyang sinalihan.
View this post on Instagram
Sa Pilipinas, kilala si Ryan bilang dating matalik na kaibigan at business partner ng aktor na si Ken Chan.
Syndicated estafa (under Article 315 Paragraph 2 of the Revised Penal Code, in relation to Section 1 of Presidential Decree No.1689) ang kasong kinakaharap nina Ryan at Ken.
Ito ay bunsod ng reklamong inihain ng mga taong nakisosyo sa kanilang hindi nagtagumpay na negosyo.
Walang piyansa para sa mga sangkot sa kaso ng syndicated estafa kaya umalis ng Pilipinas si Ryan bago pa lumabas ang arrest warrant para sa kanya.
Ito rin ang dahilan kaya hanggang ngayon, hindi pa nakababalik sa bansa si Ken.
Read: Ken Chan charged with syndicated estafa over P14M investment deal
MR. USA 2026 WINNERS
Si Jaydon Kanipe ng Tennessee, USA, ang nag-uwi ng Mister USA 2026 title. Siya ang magiging kinatawan ng Amerika sa Mister Universe 2026.
View this post on Instagram
Si Colin Walling naman ang nagwaging Mister USA World 2026.
View this post on Instagram
At si Francesco Arrigali ng Delaware ang hinirang na Mister USA International.
Ibinalita ni Arrigali na pupunta siya sa Pilipinas para sa Mister International 2026 competition.
Pero may impormasyong idaraos ito sa Setyembre 26, 2026 sa Bangkok, Thailand.
View this post on Instagram