"Na-offend" ang comedienne at board member ng third district ng lalawigan ng Laguna na si Angelica Jones, 43, dahil sa cover version ng "Miss Flawless" ng aktres at social media influencer na si Sachzna Laparan, 28.
Naglabas ng sama ng loob si Angelica sa guesting nito sa Your Honor, ang podcast program ni Chariz Solomon at ng co-host nito na si Mikoy Morales.
Ngayong Sabado ng gabi, Agosto 29, 2026, mapapanood sa Your Honor ang kabuuan ng hinaing ni Angelica laban kay Sachzna, na inaakusahan niyang hindi nagpaalam nang i-record noong 2019 ang sariling bersyon ng "Miss Flawless."
"Nakaka-offend on my part. Wala silang sinasabi na 'hi, hello, pasensya na po, o sorry.' Wala, wala.
"Mahalaga sa akin ang original 'Miss Flawless' is Angelica Jones,” ang bahagi ng pahayag ni Angelica sa panayam sa kanya nina Chariz at Mikoy.
Pitong taong kinimkim ni Angeica ang sama ng loob na nararamdaman dahil 2019 pa nga nang ilabas ang "Miss Flawless" cover version ni Sachzna, kasama sina Flow G at Bosx1ne ng Ex Battalion.
Read: QC Court acquits Favila, Asprec in Gretchen Fullido complaint
ANGELICA JONES SHOWBIZ CAREER
Si Angelica ang orihinal na mang-aawit ng "Miss Flawless," na komposisyon ni Lito Camo at kabilang sa Mag-Otso Otso Tayo Bayan album ng Star Records na ni-release noong 2003.
Naging co-host si Angelica ng noontime program na Masayang Tanghali Bayan ng ABS-CBN mula 2003 hanggang 2004, ang panahon na pinagkatiwalaan siya ng Star Records na i-record ang "Miss Flawless," na signature moniker niya noon.
Ang 2003 ang taong hindi makalilimutan ni Angelica dahil bukod sa pagkakaroon ng music single na "Miss Flawless," siya ang pinili ng Star Cinema bilang leading lady ni Vhong Navarro sa Mr. Suave, ang comedy movie na ipinalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 2003.