Muling nagbabalik si Angel Castro sa pag-arte sa teleserye dahil sa kanyang espesyal na partisipasyon sa My Bespren Emman, ang afternoon family drama show ng TV5.
Dalawang taon na ang nakararaan mula nang mapanood si Angel sa Makiling, ang television series ng GMA-7.
Read: Former Kapuso actress Angel Castro rebrands, joins VMX
Pero Claire Castro pa ang kanyang screen name noon kaya matagal na rin na hindi siya umaarte sa telebisyon.
Isang babae na nililigawan ng karakter ni Mike “Pekto” Nacua ang papel na ginagampanan ni Angel, at dalawang araw na siya na nakapag-taping para sa My Bespren Emman.
Ipinagtapat ni Angel sa panayam sa kanya ng Cabinet Files na "nailang" siya sa taping ng TV5 serye dahil religious program ito.
“To be honest, nailang po ako kasi, di ba, po yung My Bespren Emman is a religious show?
"I am religious po, but people think kasi na when you are a sexy star, that’s who you really are, which is far from the truth because to be honest, I’m not really a sexy… I don’t think of myself as a sexy person all the time.
"Actually, when I have to be sexy, I find it very awkward," kuwento ni Angel.
Hindi naman daw ibig sabihin na sexy star siya ay iyon na siya kahit off cam.
Pagpapatuloy niya, "So may tinanong din po ako, 'Hindi ba magkakaroon ng reaksyon yung mga tao? Bakit may VMX sa My Bespren Emman because it’s a religious show?'
“But you know what, I’m just honored po na naka-work ko po yung mga magagaling na artista dun. I know myself, I don’t need to anticipate yung mga magiging reaksyon ng mga tao."
Isinalarawan niyang mabigat ang partisipasyon niya sa serye dahil sa mga iyakan na eksena.
Nakausap ng Cabinet Files si Angel sa media conference para sa Sex Drive na naganap nitong Sabado, Agosto 29, 2026,sa Viva Café, Quezon City, habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Read: Justus Kelley is first Miss USA who's a married mom
ANGEL CASTRO ON VMX MOVIES
Sina Benz Sangalang, Apphle Celso, at Juan Calma ang mga artista na kasama ni Angel sa Sex Drive, na mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.
Sa naturang media conference, sinabi ni Benz na si Angel ang number one ngayon sa Vivamax.
Kaya hiningi ng Cabinet Files ang reaksyon ng sexy actress tungkol sa tagumpay ng kanyang launching movie, ang Creampie, na gumawa ng kasaysayan sa nabanggit na adult streaming platform dahil tinangkilik ng manonood.
"Hindi ko po in-expect. At the same time, in-expect ko. Does that make sense?" saad niya.
Malaking dahilan daw ng tagumpay ng pelikula ay dahil sa director na si Rodante Pajemna.
"Because Direk Rodante, his films do really well. But at the same time, I do not expect it for myself,” ang mapagkumbabang sagot ni Angel.