PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo, Daniel Padilla speak out on flood control issues

Dennis: “Kamusta na kaya yung mga nagnakaw sa mga flood control projects?”
by Jojo Gabinete
Published 17 hours ago
dennis trillo daniel padilla
Kapuso actor Dennis Trillo (left) and Kapamilya star Daniel Padilla (right) speak out amid widespread flooding in Metro Manila and Central Luzon, calling for accountability, better leadership, and a flood control system that works.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon / Star Magic

Sina Dennis Trillo at Daniel Padilla ang dalawa sa mga aktor na ginagamit ang kanilang social media platforms upang ipakita ang kanilang pagkabahala sa paulit-ulit na pagbaha at sa kalagayan ng mga Pilipinong naapektuhan nito.

Ngayong Linggo, Agosto 30, 2026, muling pinukaw ng Kapuso actor ang atensiyon ng publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook post tungkol sa mga dapat managot sa problema ng flood control projects.

“Kamusta na kaya yung mga nagnakaw sa mga flood control projects?” tanong ni Dennis, na nilagyan niya ng hashtag na "#neverforget."

dennis trillo post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang post ni Dennis ay kasunod ng nakapanglulumo at malawakang pagbaha na nakaapekto sa maraming Pilipino matapos ang maghapon at magdamag na pag-ulan na nagsimula noong Sabado, Agosto 29.

Maraming lugar sa Central Luzon at Metro Manila ang nakaranas ng matinding pagbaha, habang maraming pamilya ang napinsala, nawalan ng tahanan, at naapektuhan ang kabuhayan.

Read: Filipino doctor missing after Nepal flash flood; family pleads for help

DANIEL PADILLA'S TAKES A SWIPE AT GOVERNMENT LEADERS

Samantala, ginamit naman ni Daniel Padilla ang kanyang Instagram Stories upang magbahagi ng mga video mula sa iba't ibang social media accounts na nagpapakita ng lawak ng pagbaha at pagkawasak ng mga imprastraktura sa maraming lugar.

Kalakip ng mga video ang ilang makahulugang mensahe ng Kapamilya star na nananawagan para sa mas maayos na sistema at pananagutan ng mga lider:

“tinawag tayong resilient para hindi mapahiya yung mga taong may obligasyong ayusin yung sistema."

daniel padilla post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We need leaders not in love with money but in love with justice. Not in love with publicity but in love with humanity. — Dr. Martin Luther King Jr."

daniel padilla post

“wag tayong masanay sa ayuda, libreng sakay at relief goods, we deserve a system that really works. p*t*ngina paulit-ulit na lang!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
daniel padilla post

Ibinahagi ni Daniel ang mga video bilang paraan daw upang gisingin ang kamalayan ng publiko sa sinapit ng mga Pilipinong naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Gayunman, sa kabila ng kanyang magandang intensiyon, nakatanggap pa rin siya ng masasakit na komento mula sa ilang nagduda sa kanyang motibo.

Dahil dito, diretsahan niyang ipinaliwanag ang kanyang paninindigan bilang isang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni daniel: “Ginagawa ko lang ang parte ko bilang pilipino para sa pilipinas. Tinawag niyo pa kong delusional. Eh mga g*go pala kayo dyan e.”

daniel padilla post

Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Dennis Trillo (left) and Kapamilya star Daniel Padilla (right) speak out amid widespread flooding in Metro Manila and Central Luzon, calling for accountability, better leadership, and a flood control system that works.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon / Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results