Inaasahang maglalabas ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center tungkol sa walang katotohanang balita na idaraos ang GMA Gala sa Okada Manila Resort and Casino, Parañaque City, sa Oktubre 3, 2026.
Hindi magkakaroon ng GMA Gala ngayong 2026.
Kaya hindi lehitimo ang nakaanunsiyo sa Instagram page ng “gmagala2026” na mangyayari sa Grand Ballroom ng Okada ang okasyon, na naging tradisyon ng Kapusoe Network mula noong 2022 hanggang 2025.
View this post on Instagram
GMA GALA 2026 IS NOT HAPPENING
Kinumpirma ng isang Sparkle GMA Artist Center insider sa Cabinet Files na "fake news" ang impormasyong lumabas sa Instagram page ng "gmagala2026," na pinaghihinalaang isang fake account, dahil walang magaganap na GMA Gala para sa kasalukuyang taon.
Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline
Binuksan o naging aktibo lamang ang "gmagala2026" Instagram account noong Agosto 6, 2026.
Nakasaad sa unang post nito na mangyayari ang GMA Gala sa Setyembre 26, 2026 sa Okada Manila.
Nagmistulang lehitimo ang fake IG post dahil naka-tag ang GMA stars na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Barbie Forteza, Miguel Tanfelix, at maging ang GMA Network executive na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Nag-post din ang kaduda-dudag "gmagala2026" Instagram page ng semi-formal dress code para sa naturang pagtitipon at naka-tag din ang ibang contract stars ng Kapuso Network.
View this post on Instagram
Mapagkakamalang legitimate Instagram page ang gmagala 2026 dahil sinusubaybayan ito ng GMA news reporters na sina Mariz Umali at Susan Enriquez, na posibleng hindi alam na fake news peddler ang nasabing social media account.
Dapat maging maingat at mapanuri ang publiko sa mga social media page na kanilang susundan at paniniwalaan para makaiwas sila sa mga panlilinlang.
Read: Cheryl Favila, Maricar Asprec acquitted in Gretchen Fullido sexual harassment case