Ang award-winning musician na si Vehnee Saturno ang composer at lyricist ng “Sa Aking Puso,” ang hit song ni Ariel Rivera noong 1991.
Ngayong 2026, naglabas si Dylan Menor ng cover version ng kanta.
Inilunsad ito sa Vibe+ PH, ang musical-variety program ng TV5, noong Sabado, Agosto 29, 2026.
Matapos awitin ni Dylan ang “Sa Aking Puso” sa programang pinangungunahan niya, ipinapanood sa kanya ang mensahe ni Ariel.
Pagbati sa kanya ng tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala: “Dylan, I want to say how happy I am for you and how excited I am for you. Binabati kita sa bago mong rendition ng 'Sa Aking Puso.'
"It’s such a crucial part in my career and in my life. Sobra siyang nagmarka at sana magmarka din sa puso mo at sa puso ng lahat ng ating Kapatid.
"Congratulations and I am so happy for you.”
Mensahe naman ni Dylan, “Thank you, Sir Ariel. Idol na idol ko yan, grabe."
Kasunod nito ay pinasalamatan ng singer-actor ang Universal Records, CIGNAL, at MQuest para sa pagbibigay raw sa kanya ng oportunidad na awitin ang isa sa hit songs ni Ariel.
Dagdag ni Dylan, “Nung nalaman ko na binigyan ako ng opportunity to sing that song, sabi ko, 'Yes!' Kasi Sir Ariel na yan, legend! So I am very thankful.”
Read: Carmelle Collado to represent PH in inaugural Eurovision Asia
VEHNEE SATURNO REACTS
Ipinagtaka naman ni Vehnee Saturno na hindi binanggit ni Dylan ang pangalan niya kahit siya ang nag-compose ng "Sa Aking Puso."
Isinapubliko ng beteranong musikero ang kanyang reaksiyon sa pamamagitan ng Facebook post kahapon, Agosto 30.
Himutok ni Vehnee (published as is): “Was able to watched the launching of Sa Aking Puso by Dylan Menor, si Ariel Rivera ang pinasalamatan?
“Ba’t ganon? I’m the COMPOSER of the song!
"Pakilinaw po Vibe PH, Tv5 and Universal Music. Parang MALI!”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag at paliwanag ang pamunuan ng Vibe+ PH, TV5, at Universal Music tungkol sa hinaing ni Vehnee, na malaki ang kinalaman at kontribusyon sa popularidad ng “Sa Aking Puso” na nagpasikat noon kay Ariel.
Read: Yeng Constantino, RJ Jimenez recall their "what if" romance