PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Oscar Oida warns reporters against covering floods in floodwater

Oscar Oida: “Hindi biro ang leptospirosis.”
by Jojo Gabinete
Published 22 hours ago
oscar oida leptospirosis
GMA-7 reporter Oscar Oida, who spent 10 days in the ICU after contracting leptospirosis in 2022, is urging fellow journalists and the public to avoid unnecessary exposure to floodwater amid widespread flooding in Metro Manila and Central Luzon.
PHOTO/S: GMA News / Instagram

Iniulat ng Department of Health noong Agosto 27, 2026, na umabot na sa 521 ang mga naitalang kaso ng leptospirosis sa Metro Manila.

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga kaso kasunod ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at maraming bayan sa Central Luzon noong Sabado, Agosto 29.

Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring makuha mula sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng mga hayop, partikular na ng mga daga.

Nakababahala ang mga eksena ng mga taong napipilitang lumusong sa baha upang makarating sa kanilang mga paroroonan, gayundin ang mga residenteng pinasok ng baha ang kanilang mga tahanan.

Higit na nakababahala ang mga news reporter na lumulusong sa baha kahit hindi naman kinakailangan.

Sa halip na manatiling ligtas habang nag-uulat, may ilang reporters na nagpapakabasa sa ulan o lumulusong mismo sa baha kahit maaari namang gumamit ng payong o humanap ng mas ligtas na paraan upang maihatid ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaari rin itong magbigay ng maling halimbawa sa publiko, lalo na't paulit-ulit na pinapayuhan ng mga reporter ang kanilang mga manonood na mag-ingat laban sa leptospirosis.

Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline

OSCAR OIDA ON HIS LEPTOSPIROSIS EXPERIENCE

Minsan nang naging kritikal ang kalagayan ng seasoned GMA-7 news reporter na si Oscar Oida matapos siyang magkaroon ng leptospirosis noong Pebrero 15, 2022.

Sampung araw siyang nanatili sa ICU ng Diliman Doctors Hospital sa Quezon City dahil naging mapanganib ang kanyang kondisyon.

Ngayong Linggo, Agosto 30, 2026, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Oscar upang hingan siya ng pahayag tungkol sa mga dapat gawin upang makaiwas sa leptospirosis, lalo na ng mga reporter na naaatasang mag-cover sa mga lugar na binabaha.

Bilang reporter na regular na nagsasagawa ng field coverage, sinabi ni Oscar na mas maingat na siya ngayon sa mga sitwasyong maaari siyang makakuha ng leptospirosis.

Saad niya: “Bilang reporter na na-assign sa mga coverage na patuloy na mag-expose sa akin sa posibilidad na magkaroon pa rin ng ganitong klase sakit, siyempre ibayong pag-iingat, like hindi ako basta-basta lumulusong sa mga baha at hindi ko ito ipo-promote sa mga kapwa ko reporters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung merong ibang avenue o may ibang daan na puwedeng daanan para makatawid nang hindi lumulusong sa baha, ganoon ang dapat nating gawin.

“Hindi ako sang-ayon sa lulusong ka sa baha para makita sa video na nasa baha ka. After all, established na naman na yun, e.

“Baha na dun sa lugar kaya hindi mo na kailangang isuong pa yung katawan mo sa ganoong klase ng panganib.”

Read: Filipino doctor missing after Nepal flash flood; family pleads for help

OSCAR OIDA WARNS AGAINST SWIMMING IN FLOODWATER

Dahil personal niyang naranasan ang leptospirosis, nagbigay rin siya ng babala sa mga magulang na hinahayaan ang kanilang mga anak na magtampisaw o lumangoy sa tubig-baha.

Mariing iginiit ni Oscar na hindi dapat balewalain ang panganib ng leptospirosis.

“Hindi biro ang leptospirosis," sambit niya.

"Totoong panganib ang leptospirosis at muntikan na akong patayin nito so hindi ko ina-advise sa mga bata na mag-swimming sa baha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabihan natin ang ating mga anak, ang ating mga mahal sa buhay, dahil hindi lamang sila ang magsa-suffer.

“Kapag kayo ay naapektuhan ng leptospirosis, pati ang mga mahal ninyo sa buhay, mahihirapan din."

Para kay Oscar, mahalagang hindi isakripisyo ang kaligtasan para lamang sa isang eksena o video, lalo na kung may ibang paraan upang makapag-cover ng baha nang hindi direktang nalalagay sa panganib ang reporter.

“So, kung talagang hindi maiiwasan at kailangan lumusong dahil sa trabaho, may boots naman.

"May waders at may ibang mga paraan para iligtas ang ating mga sarili mula sa leptospirosis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GMA News reporter Oscar Oida recuperating from leptospirosis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 reporter Oscar Oida, who spent 10 days in the ICU after contracting leptospirosis in 2022, is urging fellow journalists and the public to avoid unnecessary exposure to floodwater amid widespread flooding in Metro Manila and Central Luzon.
PHOTO/S: GMA News / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results