Ang makatrabaho ang multi-awarded actor na si Phillip Salvador ang isa sa mga pangarap ng VMX director Carby Salvador, 47.
Si Carby ay apo ni Phillip.
Sa media conference ng POV (Pasilip on VMX), ang proyektong pinagbibidahan ng VMX stars na sina Lea Bernabe at Rhian Rivera, ibinahagi ni Carby ang kanyang pangarap makatrabaho at maidirek ang kanyang mga kamag-anak.

“Yes, pangarap kong makatrabaho ang mga kamag-anak ko, na idirek sila, kasi it’s a fullfillment po para sa akin,” ang pahayag ni Carby.
Partikular niyang nabanggit ang kanyang tiyuhin na si Phillip, na tinatawag niyang Tito Ipe.
“Yung ginagawa ko po ngayon, hindi po ito itinanim sa akin.
"DNA po ito na lumabas na gusto ko itong ginagawa ko, mahal ko ang ginagawa ko lalo na kung makakatrabaho ko sila, si Tito Ipe.
“Ewan ko lang susunod siya kapag sinabi ko na ‘Tito Ipe, mag-plaster ka na.' Ibang level po yon,” pabirong sabi ng direktor.
Read: Gee Canlas accuses estranged husband Archie Alemania of physical abuse
CARBY SALVADOR'S FAMILY
Mayroong malapit na koneksiyon si Carby sa showbiz dahil bahagi ng kanyang pamilya ang ilang kilalang pangalan sa industriya.
“My father is Alex Salvador, he’s a banker and for sometime, nag-production manager siya for movies.
“Solong anak po ang father ko. Ang father niya, si Ace Salvador na brother nina Tito Ipe, Tito Ramon, Tita Mina [Aragon], Tito Leroy.
"Ayaw po nilang magpatawag na lolo pero mga lolo ko na po sila,” pagpapakilala ni Carby sa sarili.
Sa kabila ng kanyang showbiz roots, hindi raw agad niya naisip na tahakin ang parehong landas ng kanyang mga kamag-anak.
“Alam ninyo po noong araw, nung nagsu-shooting sa bahay namin, parang hindi ko po ito ginusto kasi araw-araw nagpupuyat.
“Si Tita Mina noong nabubuhay pa, sabi niya sa akin, ’Anak, mag-aral ka. Hindi lahat nagiging Phillip Salvador.’”
FROM ASPIRING ACTOR TO DIRECTOR
Aminado si Carby na pinangarap din niyang maging artista, ngunit kalaunan ay mas nahilig siya sa likod ng kamera.
Saad niya: “Kasi pinangarap ko pong mag-artista noon pero hindi lahat itinatadhana. Nanonood pa rin po ako ng mga ginagawa nila.
“Naging interesado po ako [na maging direktor] so parang masaya po.
"Hindi siya trabaho for me. Para siyang naglalaro ka and, at the same time, natututo ka, may kabuhayan ka.”
Hindi rin naman daw naging biglaan ang kanyang pagpasok sa mundo ng production.
“Maliit pa lang ako, naging production assistant na nila ako. Naging trabaho na po ito sa akin,” banggit ni Carby.
Nagsimula si Carby bilang direktor ng music videos bago siya napunta sa paggawa ng mga pelikula sa VMX.
“Yung story ko po as a director, I’ve been doing music videos before until tinawagan po ako ni Boss Val [del Rosario] at saka ni Boss Vic.
“Nag-start po yon years ago sa Pantasya. Ibinigay po nila sa akin yung project na yon. It’s a reality show na maraming girls na magpapaseksi.
“Ako naman, excited nung time na yon and the rest is history. Nagsunud-sunod na po.
"Thank you Viva for always trusting me,” kuwento ni Carby.
CARBY SALVADOR ON DEBORAH SUN AND LEA BERNABE
Pamangkin din si Carby ng character actress na si Deborah Sun, na napansin niyang may pagkakahawig kay Lea Bernabe.
Ibinahagi ng direktor ang kanyang obserbasyon sa kanyang tiyahin, na tinatawag niyang Tita Gigi.
“I call her Tita Gigi. Sabi ko sa kanya, ‘Tita, kamukha mo si Lea Bernabe.'
“Sabi niya, ‘Malaki ba suso?’
“Sabi ko, ‘Oo, maganda siya Tita.’”
Napansin din ng entertainment press ang pagkakahawig nina Deborah at Lea, na kapwa sinasabing mas gumaganda habang tumatagal.

Samantala, nagpasalamat si Lea sa mga pumupuri sa kanya at ibinahagi na marami na rin ang nagsasabing nagbabago o gumaganda siya kapag matagal siyang tinititigan.
Read: Oscar Oida warns reporters about the risks of covering floods in floodwater