PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gov. Lilia Pineda apologizes over designer clothes during flood

Lilia Pineda on viral designer outfits: “Kung ano lang ang madampot."
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
lilia pineda dennis pineda designer clothes
Pampanga Governor Lilia Pineda addresses the viral photos of her and son Vice Governor Dennis Pineda wearing Prada, Burberry, and Balmain while responding to the flooding; says, “Nagkamali kami sa ganoong attire.”
PHOTO/S: Facebook

Humingi ng paumanhin si Pampanga Governor Lilia Pineda, 75, matapos mag-viral ang mga larawan at video nila ng kanyang anak na si Pampanga Vice Governor Dennis Pineda, 52, na nakasuot ng designer outfits habang tumutugon sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan na sinalanta ng habagat.

Kabilang sa mga tatak na napansin sa kanilang mga suot ang Prada, Burberry, at Balmain — na tinatayang nagkakahalaga ng daan-daang libong piso.

lilia pineda and son designer clothes
Pampanga Governor Lilia Pineda and her son, Pampanga Vice Governor Dennis Pineda, wear designer outfits while inspecting flood-affected areas in the province.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naganap ito habang matinding pagbaha ang nararanasan sa Pampanga at iba pang lugar sa Central Luzon na nagsimula noong Sabado, Agosto 29, 2026.

Hindi lamang mga residente ng Pampanga ang naapektuhan ng kalamidad.

Noong Lunes, Agosto 31, maraming motorista ang na-stranded ng walong oras sa North Luzon Expressway sa San Simon, Pampanga, dahil sa matinding pagbaha.

Sa panayam ng GMA News kay Governor Lilia, nabanggit niya ang Macabebe bilang isa sa mga bayang matinding naapektuhan ng pagbaha.

Read: Mommy Pinty confirms Alex Gonzaga has welcomed a baby boy

GOVERNOR LILIA: “NAGKAMALI KAMI”

Samantala, sa panayam naman ng One PH, humingi siya ng paumanhin kaugnay ng mga kumalat na larawan at video nila ng kanyang anak na nakasuot ng mamahaling damit habang nasa baha.

Paliwanag ni Pineda sa panayam sa kanya nina Regina Lay at Ed Lingao ng Storycon: “Kung makita man nila yon. Nagkamali kami sa ganoong attire namin, sorry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi talagang kapag gumising kami sa isang umaga, kung ano lang ang madampot mo, yun lang ang isusuot mo kasi malakas ang ulan, matubig.

"Kailangan meron kang kapote. Actually, kapote lang yon."

Kinilala rin ng gobernador ang mga puna ng publiko tungkol sa kanilang kasuotan.

Saad niya: “Siyempre yung mga kababayan natin ngayon, talaga naman may mga comment sila na iginagalang namin yung mga comment nila.

“Siguro sa akin, parang wake-up call din sa akin na ganoon.

"Pero hindi ako yung maluhong tao kasi. Yun lang sigurong araw na yon.

"Pero kung titingnan mo lang ako, yung bihis ko, hindi ako ganoon.

“Sorry po kasi kapag umaga, sabi ko nga, kung ano lang yung madampot mo, yun na lang ang isusuot mo. Parang ganoon ang nangyari.”

Read: Filipino doctor missing after Nepal flash flood; family pleads for help

PINEDA: “MERON NAMAN KAMING KONTING PERA”

Bukod sa paghingi ng paumanhin, binanggit din ni Governor Pineda na may kakayahan ang kanilang pamilya na bumili ng mga mamahaling gamit, ngunit iginiit niyang hindi naman umano ito ang kanilang karaniwang pananamit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siguro dahil meron naman kaming konting pera, nagseserbisyo ka.

"Yung pagsusuot naman ng mga ganoon, hindi naman ganoon kamahal, siguro natiyempo lang, hindi naman lagi.

“Pero wala tayong magagawa, ganun ang opinyon nila. Wala akong masabi kasi meron naman talagang ganoon.

"Pero sa pagkakataong ito, ang dapat isipin natin ngayon kung papaano ka makapag-survive? Paano malunasan ang problema?

"Kung papaano ka mag-appeal sa national government para magkaroon ng solusyon na long-term ang problema ng Pampanga.”

Sa gitna ng mga batikos, iginiit ni Pineda na patuloy nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin habang hinaharap ng lalawigan ang malawakang pagbaha.

Paliwanag niya: “Ginagawa naman namin yung obligasyon namin. Ginagawa naman namin yung mga dapat nating gawin.

"Actually, matagal na talaga itong baha na ito, pero 24/7 kaming nagtatrabaho.

“Minsan siguro nung araw na yon, magkasabay, pero not naman every day. Not naman lagi.

"Hindi naman kami ganoon. Hindi ako ganoon.

“‘Yung nangyari na yon, hindi ko naman yon napansin dahil sa trabaho. Talagang nag-iisip kami kung paano yung paraan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LILIA PINEDA: RESIDENTS SHOULD ALSO PREPARE

Sa hiwalay na panayam kay Ivan Mayrina ng GMA News noong Lunes, nagbigay rin ng paalala si Pineda sa mga residente ng Pampanga tungkol sa paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Hinimok niya ang mga pamilya na makinig sa mga babala at gumawa ng sariling plano upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay.

“Ang una po muna talaga, ang makakapagpigil yung ating Panginoon. Magdasal po tayo kasi po kalamidad na hindi naman natin kagustuhan.

“So, sana po makinig lang po kayo sa mga abiso, pag may warning sumunod po tayo. Wala po tayong kailangang tanungin dito, dasal at makinig sa mga babala, sa mga warning.

“I-save ninyo ang pamilya ninyo. Magplano na kayo, sa kanya-kanya ninyong pamilya. I-save ninyo yung mga pamilya ninyo, mga anak ninyo."

Dagdag pa ng Pampanga governor: “Hindi ninyo puwede pong iasa sa gobyerno lahat dahil sa kadami po natin lahat, kailangan may plano rin kayo sa pamilya ninyo para ligtas po ang mga pamilya ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mag-inang Lilia at Dennis Pineda ay matagal nang nagpapalitan sa iba't ibang posisyon sa lalawigan ng Pampanga.

Si Lilia ay naging mayor ng Lubao mula 1992 hanggang 2001; board member ng second district mula 2001 hanggang 2007; vice governor mula 2019 hanggang 2025; at governor mula 2010 hanggang 2019, at muli siyang nahalal noong 2025.

Si Dennis naman ay naging mayor ng Lubao mula 2010 hanggang 2019; governor mula 2019 hyanggang 2025; at nahalal bilang vice governor noong 2025.

Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pampanga Governor Lilia Pineda addresses the viral photos of her and son Vice Governor Dennis Pineda wearing Prada, Burberry, and Balmain while responding to the flooding; says, “Nagkamali kami sa ganoong attire.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results