Ang malawakang retrenchment o pagbabawas ng mga empleyado ang ipatutupad ng pamunuan ng isang TV network ngayong Setyembre 2026.
Nakalulungkot ang balitang mahigit sa isang libo ang bilang ng mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho tatlong buwan bago sumapit ang Pasko.
Ang pagtitipid at pagbabawas ng mga bayarin ang naisip na solusyon ng management para magpatuloy ang operasyon ng television network.
Inihahanda ng lahat ng mga nangangambang empleyado ang kanilang sarili dahil walang katiyakan kung kasama sila sa mga empleyadong matatanggal sa trabaho.
CONTINGENCY PLAN
Kahit hindi pa nakatitiyak na kabilang sila sa listahan ng mga tatanggalin sa serbisyo, nag-umpisa nang maghanap ng ibang kompanyang malilipatan at magplano para sa kanilang kinabukasan ang mga empleyadong nadagdagan ang lungkot dahil malapit na ang Pasko.
Read: Director Monti Parungao dies at 58 after battle with colon cancer
Sa kabila ng tensiyon at kabang nararamdaman, ipinagdarasal nilang makaliligtas sila mula sa retrenchment dahil sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng trabaho.
Nanghihinayang din sila sa matagal na panahong paglilingkod nila sa television network na kanilang minahal at itinuturing na pangalawang tahanan.