Isiniwalat ng aktres at Laguna 3rd District board member na si Angelica Jones ang panunuyo umano noon sa kanya ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Napilitan si Angelica na aminin ang kanilang nakaraan matapos siyang tanungin tungkol dito.
Diumano, hindi siya marunong magsinungaling at higit sa lahat, alam daw niyang “God is watching.”
Saad ni Angelica sa Cabinet Files: “Na-shock ako kasi hindi ko alam kung sasabihin ko or hindi.
"Kaya lang, hindi ako sinungaling na tao. Once na tinanong ako, sasabihin ko talaga yung totoo.
“So, nakaraan na naman po yan, a long, long time ago. Nung kabataan ko pa, nung hindi pa siya senator."
Ngunit diin ng actress-politician: "Pero never po kaming nagkaroon ng relasyon.
“Dating lang before, a long, long time ago.
"Kasi mahigpit po yung mother ko. Nakabantay yung mom ko before."
Sa kabila ng kanilang nakaraan, nananatili umanong maayos ang relasyon nina Angelica at Gatchalian.
“We’re good friends,” sagot ni Angelica nang tanungin kung may komunikasyon pa sila ng Senate President.
“I am close to his dad, Sir William, and his brothers.
"So, kahit hindi kami nagkatuluyan, magkaibigan pa rin kami.
“And I am happy, of coure, yung mga nakarelasyon niya, masaya ako para sa lovelife niya.
"Masaya ako sa mga narating niya ngayon kasi pinaghirapan naman niya talaga, and I know na mabuti ang pamilya nila.”
Read: Angelica Jones airs dismay over Sachzna Laparan: "Nakaka-offend..."
WIN GATCHALIAN-RISA HONTIVEROS PAIRING
Nang tanungin si Angelica tungkol sa balitang single ngayon si Gatchalian at kung may posibilidad pang matuloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan, napahalakhak siya nang malakas.
“Aray ko po! Naku, magagalit po si Senatora sa akin. Baka magalit sa akin. Joke lang," sabi niya.
“Ako po kasi, ayokong magsalita nang tapos and let’s see what happens.
"Pero ako kasi, hindi ko alam kung ano ang ibibigay ng tadhana. Kung magkikita kayo, magkikita kayo.
"Kung hindi, hindi. I believe in destiny talaga.”
Ang “senatora” na tinutukoy ni Angelica ay si Senator Risa Hontiveros.
Nabuo ang “WinRi” loveteam nina Senator Gatchalian at Senator Hontiveros dahil sa “shipping” na isinusulong ng kanilang mga tagasuporta.
Dahil dito, tiyak na magiging kapansin-pansin ang naging pahayag ni Angelica tungkol sa posibilidad ng kanilang muling pagkikita o pagkakaroon ng relasyon.

Read: Governor Lilia Pineda apologizes over designer outfits worn during Pampanga flood response
ANGELICA HAS BEEN SINGLE FOR SIX YEARS
Samantala, iginiit ni Angelica na anim na taon na siyang single ngayon.
May mga nanliligaw umano sa kanya at may mga pumoporma rin, pero mas maingat na raw siya ngayon sa pagpili ng makakarelasyon.
“Six years na akong single. Wala akong idine-date in six years," sabi niya.
"May mga nanliligaw, may mga pumoporma kaya lang parang pinag-aaralan kong mabuti.
“Bago ako mag-invest ng feelings or ng time, gusto ko munang mahalin ako nang totoong-totoo.
"Ayoko kasing mag-invest ng time or feelings na hindi naman ako mahal.
“Mas maganda yung mas malaki ang pagmamahal ng lalake kesa babae.
"Sa ngayon, ibinibigay ko kay Lord [ang pagpapasya], yung tamang lalake.
"Kasi sa dami ng mga nanligaw sa akin before, mali ang napili ko at nakakapanghinayang yung hindi ko napili, so parang nasa huli ang pagsisisi.
“So ngayon, na-realize ko, natutunan ko sa buhay ko, ang dapat piliin, yung mahal na mahal ka ng lalake.
"Yung deserving sa pagmamahal mo, hindi puwedeng ikaw lang ang nagmamahal.”
Tanong ng Cabinet Files kay Angelica: “May posibilidad bang maging senatorial spouse ka?”
Sagot niya: “Hindi ko pa muna iniisip yan. Basta no comment po ako diyan.
"Kasi medyo alam ko na maraming nagkakagusto sa kanya. Of course, nangangarap na maging karelasyon siya.
“Ako, karelasyon man o hindi, kaibigan, family friend, okay lang po sa akin.
"As long na okay yung trato nila sa akin, natutulungan nila ang constituents, masaya na po ako."
Read: Director Monti Parungao dies at 58 after battle with colon cancer