“Masarap pala ang magkaroon ng anak,” sambit ni Lovi Poe nang makausap siya ng Cabinet Files, ilang minuto bago naganap ang panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 9, 2026.
Sloane ang pangalan ng panganay na anak ni Lovi at ng asawa niyang si Monty Blencowe.
Saad ng aktres: “Sloane kasi means warrior and also, may mga listahan kami na isinulat, mga iba’t ibang pangalan.
"Wala talagang nag-match sa aming mag-asawa na isinuggest na gusto naming dalawa. Sloane lang and it’s not common.
"Iwant her to grow up thinking she’s a fighter and she’s a tough cookie.”
Parang hindi nagsilang si Lovi dahil mas seksi ngayon kesa noong dalaga pa siya
“Hati,” sagot ni Lovi nang itanong ng Cabinet Files kung sino ang kamukha ni Sloane.
Pero minana raw ng anak ang maputing kutis ng tatay niya.
Read: Lovi Poe welcomes firstborn; shows off two-week postpartum body

SLOAN TURNS 11 MONTHS OLD
Nalaman ng publiko na isinilang ni Lovi si Sloane noong Oktubre 2, 2025 dahil sa kanyang pahayag na eksaktong labing-isang buwan na ang anak nila ni Monty ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
“She turns eleven months today, nandoon siya ngayon sa Amerika. Tapos nandito ako ngayon.
"Malungkot ako kasi ilang days ako dito, malayo sa kanya. First time ko na mahiwalay sa kanya.
"Yes, it’s tough," sabi ni Lovi na labis nangungulila kay Sloane.
Hindi pa ipinakikita ng mag-asawa sa mga tao ang hitsura ng kanilang anak.
Paliwanag ni Lovi: “It’s a discussion that me and my husband were having right now.
"Kasi, parang eventually, I think it would be nice to share this beautiful treasure that we have and maybe in the future.”
LOVI POE TO ATTEND NEPHEW BRIAN'S WEDDING
Sampung araw lamang mananatili si Lovi sa Pilipinas dahil babalik siya sa Amerika sa Setyembre 8 ng gabi.
Isa sa mga dahilan ng pag-uwi ni Lovi sa Pilipinas ay ang pagdalo niya sa kasal ng kanyang pamangkin, si FPJ-Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe Llamanzares, anak ni dating Senador Grace Poe.
Nakatakdang ikasal si Brian sa fiancée nitong si Department of Justice Undersecretary Margarita Gutierrez sa Setyembre 8.
Read: Brian Poe Llamanzares set to tie the knot; wedding date revealed