Halos isang bilyong piso ang halaga ng establisimyentong binili ng sikat na personalidad na pansamantalang tinalikuran ang entertainment industry para asikasuhin ang kanyang mga ipinundar na ari-arian.
Under renovation sa kasalukuyan ang gusaling binili ng personalidad na mahusay sa negosyo.
Plano niyang paupahan sa mga restaurant at coffee shop ang kanyang newly acquired property.
Read: Mahigit 1,000 empleyado ng TV network, apektado sa mass retrenchment
AN OFFER THAT'S HARD TO RESIST
Kamakailan lamang, lumapit at nakipag-usap sa sikat na personalidad ang mga opisyal ng isang television network.
Personal na pinuntahan ng network executives ang personalidad sa kanyang tahanan.
Nais ng network executives na bilhin at muling ipalabas ang kanyang mga programa.
Pero hindi pa nakakapagdesisyon ang entertainment personality dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang mapanukso at mahirap tanggihang alok.
Sa ngayon, ang pagtutok sa mga negosyo (eal estate at build and sell) na walang kaugnayan sa entertainment industry ang pinagtutuunan ng pansin at panahon ng personalidad.
Nasisiyahan at sinusulit niya nang husto ang tahimik at pribadong pamumuhay.
Pero may mga naniniwalang panandalian lamang ang pamamahinga sa showbiz ng entertainment personality.
Kilala siyang may pinaplano at pinaghahandaang malaking proyekto na pinag-uusapan ng publiko sa tuwing nananahimik siya, at ito ang kanilang inaabangan.
Read: Angelica Jones reveals Senate President Win Gatchalian once courted her