Nag-taping na si Vice Ganda para sa Gandang Gabi Vice noong Miyerkules, Setyembre 2, 2026.
Ang Gandang Gabi Vice ay ang kanyang talk show sa ABS-CBN na anim na taon nagpahinga, ngunit magbabalik-telebisyon at mapapanood na sa GMA-7 simula sa Setyembre 13, 2026.
Mga kabataang artista ang mga bisita ni Vice sa unang araw ng taping niya para sa Gandang Gabi Vice, pero hindi pa tiyak kung ito ang gagamiting pilot episode.
Paulit-ulit nang ipinakikita sa GMA-7 ang teaser plug ng programa ni Vice Ganda.
Kumpirmadong mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read: Mahigit 1K empleyado ng TV network, apektado sa mass retrenchment
THE VOICE KIDS AND KALURKS ALSO TO PREMIERE ON SEPTEMBER 13
Hindi lamang ang Gandang Gabi Vice ang programang matutunghayan sa Kapuso Network simula sa Setyembre 13.
Ito rin ang petsa na mag-uumpisa ang bagong season ng The Voice Kids, ang reality talent competition para sa mga bata.
Mananatili si Dingdong Dantes bilang host ng The Voice Kids; samantalang mga coach sina Yeng Constantino, Gloc-9, at Julie Anne San Jose. Kasama rin sa show si Gabbi Garcia.

Magsisimula rin sa Setyembre 13 ang Kalurks!, ang Sunday night (8:30 P.M.) showbiz talk show nina DJ Jhai Ho, Baus Rufo, at Ashley Rivera.
Mapapanood ang Kalurks! sa GTV.
Tatalakayin sa programa ang mga maiinit at trending topics sa loob ng isang linggo.

Panahon muli ng mga showbiz talk show sa telebisyon dahil bukod sa Kalurks!, isang talk show na may kinalaman pa rin sa showbiz pero may kakaibang concept ang magbubukas bago matapos ang Setyembre 2026.
Read: Baus Rufo reacts to Joy Barcoma’s exit from Dogshow Divas