Sina Christiana Zaleta, Haley Dizon, at Raf Pineda ang tatlo sa young stars na napapanood sa Call My Manager!, ang Philippine adaptation ng French series na Call My Agent! na umeere sa HBO Max.
Mga bida sa Call My Manager! sina Judy Ann Santos, Edu Manzano, RK Bagatsing, at Gina Alajar.
Hindi lamang ang kanilang mahusay na pagganap ang napansin ng mga sumusubaybay sa pinag-uusapang serye dahil nakikipagsabayan din sina Christiana, Haley, at Raf sa galing sa pag-arte.
CHRISTIANA ZALETA
Si Christiana, 26, ang gumaganap na anak ni Edu sa Call My Manager!.
Wala siyang acting experience.
Pero minana niya ang talento sa pag-arte ng kanyang ina, ang dating aktres at Ang TV mainstay na si Jane Zaleta.

Ang Call My Manager! ang biggest acting break niya.
Kilala si Christiana bilang courtside reporter ng NCAA Men’s Basketball.
Ang ama ni Christiana ay ang f ormer basketball player at PBA coach ngayong si Aris Dimaunahan.

Dahil sa Call My Manager!, nagkaroon ng pagkakataon si Christiana na makatrabaho si Judy Ann.

Unang nakasama ng kanyang ina na si Jane si Judy Ann sa Esperanza, ang 1997 darama series ng ABS-CBN.
Sa Esperanza, si Jane ang gumanap na matalik na kaibigan ni Judy Ann.

Read: Gov. Lilia Pineda apologizes over designer clothes during flood
HALEY DIZON
Gaya ni Christiana, si Haley Dizon, 27, ay contract star ng VP Global Talent Management Agency.
Ginagampanan ni Haley sa Call My Manager! ang receptionist ng Shine Artist Management (SAM) na pangarap maging artista.
Kilala siya ng Kapuso viewers dahil lumabas na siya sa mga programa ng GMA-7 tulad ng Encantadia, Regal Studio Presents, at TiktoClock.

RAF PINEDA
Si Raf Pineda, 31, naman ang gumaganap na isa sa road managers ng Shine Artist Management.
Kinakitaan din siya ng husay sa mga eksena niya sa Call My Manager!.
Hindi lamang magaling ng movie at stage actor si Raf dahil may kakayahan siya sa tarot reading.

Read: Vehnee Saturno reacts to Dylan Menor’s "Sa Aking Puso" launch: "Parang mali."
CALL MY MANAGER!: BASED ON REAL SHOWBIZ EVENTS
Pnag-uusapan dahil sa mga nakakaaliw na kuwento at eksena na halaw sa mga tunay na pangyayari sa buhay ng mga artista sa Pilipinas.
Imposibleng hindi mahulaan ng publiko ang katauhan ng karakter na ginampanan ni Laurice Guillen, ang veteran actress na sangkot sa eskandalo dahil kumalat ang video ng kanyang "self-gratification" scene.
Kung panonoorin ng mag-asawang hiwalay na ang Call My Manager!, mararamdaman nilang sila ang inspirasyon ng karakter ng mag-asawang Brandon at Jessica Vera.
Tapos na ang relasyon nila pero nagpapanggap na nagsasama pa rin para hindi mawala ang kanilang product endorsements.
Tungkol naman sa rivalry sa tunay na buhay ng mag-inang aktres ang mga katauhan na ginampanan nina Zsa Zsa Padilla at Karylle.
Madali ring matukoy ang mga sikat na personalidad na pinagbasehan ng mga karakter nina Maricel Soriano at Snooky Serna.

Siguradong magkakaroon ng ideya ang publiko kapag napanood nila ang mga susunod na kabanata ng Call My Manager! dahil halaw nga ang kuwento nito sa mga tunay na karanasan ng mga sikat at kontrobersyal na artista.
Read: Pokwang-Ruby, Maricel-Snooky revive the Nora-Vilma rivalry