Anim na buwan na ang nakararaan mula nang bawian ng buhay ang British-Nigerian influencer na si Igho Ubiribo, 43, noong Marso 6, 2026
Pero ngayong Setyembre lamang napag-uusapan ang kanyang kontrobersiyal na pagkamatay.
“Tiny” ang palayaw ni Igho.
Nangarap siyang magkaroon ng "large" na ari kaya nagpunta siya sa Bangkok, Thailand, noong Marso 2026 para sumailalim sa penis enlargement procedure.
Kasama ni Tiny sa Thailand ang kanyang fashion designer na asawa na si Danielle Simba Allen.
Lumitaw sa autopsy na pulmonary embolism ang ikinamatay ni Tiny dahil sa 40 millilitres ng fillers (hyaluronic acid at lidocaoine) na itinurok sa kanyang ari.
Ayon sa mga lumabas na ulat, nagpamasahe si Tiny pagkatapos ng penis enlargement procedure sa kanya.
Habang minamasahe, dumaing siya ng paninikip ng dibdib.
Isinugod si Tiny sa Sukhumvit Hospital. Pinilit ng medical staff na iligtas siya sa pamamagitan ng CPR pero nabigo sila.
Read: Chanda Atienza arrives in Manila; to be brought to BJMP New QC Jail
TINY ubiribo'S cause of death
Ayon sa coroner na si Jean Harkin ng Inner West London Coroner’s Court, pulmonary embolism ang kumitil sa buhay ni Tiny dahil nagkaroon ng pagbabara sa ugat ng baga niya.
Nakita rin sa post-mortem examination sa United Kingdom ang "molecules" sa baga ni Tiny na tumutugma sa filler na itinurok sa kanyang ari.
Hindi pinangalanan ng mga pahayagan sa Thailand ang klinikang nagsagawa ng penis enlargement procedure kay Tiny.
Nakalagay sa mga ulat na nagkakahalaga ng US$9,000 ang penis enlargement procedure, at tumatagal ang bisa nito mula anim hanggang siyam na buwan.
Inilibing ang mga labi ni Tiny sa London.
nakasaad sa mga balitang nagkakahalaga ng US$745,000 ang kanyang gintong kabaong.
Hindi pa naglalabas ng pahayag si Danielle tungkol sa trahedya ng pagkamatay ni Tiny.
Hindi rin siya aktibo sa Instagram dahil noong Nobyembre 2025 ang huling entry niya sa kanyang Instagram account.
Mula nang makumpirma noong Setyembre 5 ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Tiny, bumuhos ang mga pakikiramay kay Danielle pero nananatili itong tahimik.
Read: Did you know: Risa Hontiveros is Tanging Yaman's original singer?