PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin Romualdez’s unusual hospital mugshot revealed

Jonvic Remulla says Martin Romualdez is a "flight risk."
by Jojo Gabinete
Published 7 hours ago
martin romualdez mugshot
The mugshot of former House Speaker Ferdinand Martin Romualdez has been revealed, and it was taken not inside a police station, but inside his hospital room. Romualdez is seen lying on a hospital bed with medical equipment attached to his body, while an orange CIDG detainee shirt is placed over his chest.
PHOTO/S: Joseph Morong / DILG

Ipinakita ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press conference na ginanap sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, ngayong Martes, Setyembre 8, 2026, ang kakaibang mugshot ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Kuha ang mugshot ni Romualdez sa loob ng kanyang kuwarto sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City, kung saan siya kasalukuyang naka-confine.

Makikita sa larawan na nakahiga si Romualdez sa hospital bed habang nakakabit sa kanyang katawan ang iba't ibang medical apparatus.

Nakapatong lamang sa kanyang dibdib ang orange CIDG T-shirt na karaniwang ipinapasuot sa mga akusado bilang bahagi ng booking procedure.

martin romualdez mugshot
Former Congress Martin Romualdez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa maraming netizens, “Only in the Philippines” ang naturang mugshot dahil sa hindi pangkaraniwang sitwasyon ng dating House Speaker.

Nasa pribadong ospital si Romualdez dahil sa unstable blood pressure at iba pang karamdaman nang isilbi sa kanya ni Remulla ang warrant of arrest noong Lunes, Setyembre 7, 2026.

Ang warrant ay inilabas ng Third Division ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na kinasasangkutan umano ni Romualdez at ng fugitive at dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

Si Romualdez ay pinsang-buo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read: Martin Romualdez arrest warrant served at hospital over PHP7.4-B flood control case

ROMUALDEZ A FLIGHT RISK

Bukod sa kanyang medical condition, isa sa mga pangunahing isyung binigyang-diin ni Remulla ang posibilidad na maging flight risk si Romualdez.

Ayon sa DILG secretary, mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa paligid ng kuwarto ng dating House Speaker.

“Meron kaming 24/7 two armed guards sa labas ng kuwarto niya. Ang movement niya ay restricted within the hospital hanggang lamang kung saan niya kailangan pumunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron po kaming armed guards sa lobby at meron din kaming mobil patrol na naghihintay sa labas ng hospital.

“Martin Romualdez is a flight risk. Dalawa ang kanyang private jet, tatlo ang kanyang helicopter, tatlo ang kanyang yate so he is a flight risk.

“So, gagawin namin ang lahat ahead of time para i-preempt ang ibang mangyayari,” pagbabahagi ni Remulla sa ginanap na press conference tungkol sa pag-aresto kay Romualdez.

ROMUALDEZ TO STAY IN THE HOSPITAL

Samantala, sinabi ni Remulla na hindi pa maaaring ilipat si Romualdez sa Camp Crame Hospital dahil unstable pa ang kanyang kondisyon.

Saad niya: “Ngayon, itatanong ninyo tungkol sa doktor. Nag-usap na ang doktor ng PNP at doktor ni Former Speaker at nag-agree sila na unstable ang kundisyon [ni Romualdez].

“However, every day, pupuntahan po ng PNP doctors ang kanyang hospital room at titingnan ang kanyang kundisyon.

"As soon as he is fit and able to appear in court, dadalhin na po namin siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Meantime, kami po ay magmo-motion for custody ni Martin Romualdez para dalhin sa Camp Crame Hospital.

"Yun po ang gagawin na initial steps namin para under the formal custody.

"Bibigyan na namin ng visitation and practicing rights ang kanyang mga doktor para puwede silang pumunta sa Camp Crame.

"That motion will be filed later on tomorrow para maklaro lang sa inyo na hindi kami pumapayag sa Cardinal Santos.

"Kaya naman namin sa Crame yan, but it’s up to the discretion of the Court kung papayagan na siyang ilipat sa Crame.”

Ayon kay Remulla, araw-araw na susuriin ng mga doktor ng PNP ang kondisyon ni Romualdez hanggang sa maging maayos na ang kanyang kalagayan para maiharap sa korte.

Samantala, ang booking procedure kay Romualdez ay isinagawa sa Cardinal Santos Medical Center dahil dito siya ginagamot para sa kanyang iba't ibang karamdaman.

Read: Jinggoy Estrada charged with plunder in flood control issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REMULLA HAS YET TO SPEAK TO PRESIDENT MARCOS

Sinabi rin ni Remulla na hindi pa sila nagkakausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula nang dakpin si Romualdez noong Lunes, Setyembre 7, 2026.

Gayunman, nagpadala na umano siya ng full report sa Malacañang tungkol sa naging pag-aresto sa dating House Speaker.

Lahad niya: “Between the Ombudsman, the President and I, hindi kami nag-usap for the last six days bago nangyari ito.

“Nag-usap lang kami ni Ombudsman kaninang umaga regarding this, but I did give a full report to Malacañang kung ano ang nangyari.

"On a reportorial basis lang, pero conversation, walang nangyari.”

Ang Ombudsman na tinutukoy ni Remulla ay ang kanyang kapatid na si Jesus Crispin Remulla.

Sa kabila ng seryosong sitwasyon, ibinahagi ni Jonvic na nagbibiruan pa rin sila ng kanyang kapatid tungkol sa nangyari.

Ayon kay Jonvic, inaasar siya ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla dahil sa bigat ng kanyang naging trabaho kaugnay ng pag-aresto kay Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, inaalaska ako. Pinagtatawanan niya ako dahil nakita niya kung gaano kahirap ang buhay ko kahapon.

“Sabi niya, he’s very confident of the case na mangyayari. Ganoon naman ang usapan namin na magkapatid.

“Before it is filed, hindi kami puwedeng mag-usap. Pero after this was filed, dun na kami nag-usap.

"So, very confident siya sa kasong inihain niya laban kay Speaker."

Ang Third Division ng Sandiganbayan ang naglabas ng arrest warrant para kay Romualdez dahil sa paratang na nakinabang siya sa mga maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng PHP7.4 billion.

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The mugshot of former House Speaker Ferdinand Martin Romualdez has been revealed, and it was taken not inside a police station, but inside his hospital room. Romualdez is seen lying on a hospital bed with medical equipment attached to his body, while an orange CIDG detainee shirt is placed over his chest.
PHOTO/S: Joseph Morong / DILG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results