Ipinagdarasal ng aktres na malampasan ng kanyang kaibigang aktor ang mga pagsubok na pinagdaraanan nito.
Nanggaling mismo sa aktres ang impormasyong nagtatago sa batas ang aktor dahil sa kasong kinasasangkutan nito.
Pinili ng aktor na magtago dahil kapag nahuli at nakulong siya, malaki ang posibilidad na matagalan ang kanyang paglaya mula sa bilangguan.
Awang-awa ang aktres sa kaibigang aktor, na naging mabuti raw sa kanya mula nang magkasama sila nang matagal sa isang proyekto.
Read: Mahigit 1,000 empleyado ng TV network, apektado sa mass retrenchment
BEYOND FRIENDSHIP?
Ang malalim na relasyon nila bilang magkaibigan ang dahilan kaya pinaghinalaan ang kanilang kaugnayan sa isa’t isa.
Minsan nang napagbintangan ang aktor na siya ang ama ng sanggol na ipinagbuntis ng aktres.
Hindi nagsalita ang aktor tungkol sa isyung mahigpit na pinabulaanan ng aktres.
At para patunayang walang katotohanan ang mga malisyosong haka-haka at akusasyon, gumastos ang aktres para sa DNA test ng kanyang anak.
Nagtagumpay ang aktres dahil lumabas sa resulta ng DNA test na ang kanyang boyfriend at hindi ang aktor ang ama ng bata.
Hindi nakaapekto sa pagiging magkaibigan ng dalawa ang tsismis na may relasyon sila dahil lalo lamang naging matatag ang kanilang samahan.
Hanggang ngayon, magkaibigan pa rin ang aktres at ang aktor, na matagal nang hindi nagpapakita sa publiko dahil tinutugis nga siya ng batas.
Nag-aalaala ang aktres para sa kaligtasan at kalusugan ng aktor na hindi niya alam ang kinaroroonan.
At dahil wala na silang komunikasyon, ipinagdarasal niyang maging maayos ang sitwasyon at malutas ang mabigat na problemang pinagdaraanan ng kanyang kaibigang aktor.
Read: Brent Manalo addresses "unwarranted hate" after banter with Darren Espanto