Si Alden Richards ang unang bisita ni Vice Ganda sa pilot telecast ng Gandang Gabi Vice na mapapanood sa GMA-7 tuwing Linggo, simula sa Setyembre 13, 2026.
Kinumpirma ito sa ulat ng 24 Oras ngayong Miyerkules, Setyembre 9.
Unang nagkrus ang landas nina Vice at Alden nang kapwa sila dumalo sa 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. na ginanap noong Mayo 14, 2017.
“Nag-fangirl” si Vice nang magkita sila ni Alden.
Ibinahagi ng Unkabogable Superstar sa kanyang Instagram page ang kanilang selfie photo ni Alden.
May caption itong “Ang guwapo shit!” na may smiling face with heart eyes emojis.

Read: Vice Ganda takes selfie with Pambansang Bae Alden Richards: "Ang gwapo, shit!"
GANDANG GABI VICE TEASER
Ngayong Miyerkules ng gabi, naglabas ng teaser ang GMA News tungkol sa magiging espesyal na panauhin ni Vice sa nagbabalik-telebisyon na talk show.
Tumutugma kay Alden ang kanilang pahiwatig: “Nine years ago, nag-fangirl si Vice Ganda sa isang Kapuso star.
“Ngayon, ang wish niyang aktor ang magiging first guest sa comeback ng Gandang Gabi Vice na mapapanood na sa Kapuso Network this Sunday, Setyembre 13."
At kinumpirma nga ng 24 Oras ang paglabas ni Alden sa first episode ng nagbabalik na programa ni Vice.
Dating magkatapat ang noontime shows sina Vice at Alden.
Si Vice ang main host ng It's Showtime, na dating napapanood sa ABS-CBN.
Si Alden naman ay dating co-host ng Eat Bulaga!, na dating napapanood sa GMA-7.
Ngayon ay sa GMA-7 na umeere ang It's Showtime, habang ang Eat Bulaga! ay nasa TV5 na ngunit hindi na kasama rito si Alden.
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case