Nagpaliwanag si Dustin Yu tungkol sa isang lumang palitan nila ng tweets ng isang gay adult content creator na muling lumitaw ngayong Setyembre 2026 at binibigyan ng malisyosong kahulugan ng ilang netizens.
Naganap ang Twitter exchange noong Disyembre 2021, bago pa na-rebrand bilang X ang social media platform.
Sa isang deleted post ni Dustin, makikita ang sagot niyang “OTW” sa mensahe ng gay adult content creator na, “andito po ko sa bahay charot.”
Sa hindi malinaw na dahilan ay bigla na lamang itong lumitaw muli.
Dahil muling pinag-uusapan ang naturang exchange at binibigyan ito ng malisya, naglabas ng pahayag si Dustin upang linawin ang kanyang panig at itigil ang mga espekulasyong may nakaraan sila ng naturang content creator.
Read: Brent addresses "unwarranted hate" after banter with Darren
DUSTIN YU: “I JUST WANT TO MAKE MY STATEMENT CLEAR.”
Inilabas ni Dustin ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng X account nitong madaling-araw ng Huwebes, Setyembre 10, 2026.
Dahil dito, naging trending sa X Philippines ang pangalan ng Kapuso actor.

“Hi! I’m doing a film right now, nasa lock-in taping ako and walang halos signal. I was told that I’m being dragged regarding something I commented years ago,” umpisa ng paliwanag ni Dustin.
Ayon kay Dustin, noong una ay hindi niya pinansin ang isyu dahil mas nakatuon daw siya sa magagagandang nangyayari ngayon sa kanyang buhay.
Saad niya (published as is): “Nun una, I didn’t really mind cos I’m more focused on the good days, plus I’m very much happy with my life right now.
"But I decided to speak up for the sake of my loved ones, while making sure to do so with respect to the LGBT community.
“I just want to make my statement clear. I replied to a comment on that account maybe around 5 years ago as a joke and simply to interact with people who were tagging me. Wala akong ibang intention behind it.
“Ngayon ko lang nalaman na nagpalit na pala ng account at content yung account na yun, and unfortunately, may mga taong ginagamit ngayon yung old comment ko para gawan ng ibang storya at i-drag ako.
“I know what I meant when I said it, and I won’t let someone twist an old interaction into something it was never meant to be.
“I’m sharing this simply to set the record straight. Moving forward, sana mas piliin na lang natin maging positive and kind.
"We may not always agree or understand each other, but I hope we can choose to be kinder instead of creating stories that can hurt someone,” ang paglilinaw ni Dustin.
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
DUSTIN YU TO DETRACTORS: “I HOPE YOU FIND HAPPINESS.”
Kasunod nito, nagbigay rin ng mensahe si Dustin sa mga patuloy umanong nagda-drag sa kanya kaugnay ng lumang Twitter exchange.
“And to those who continue to drag me, I genuinely hope you find something else that brings you happiness and makes you smile.
"Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang sirain o saktan yung ibang tao para may mapagtawanan o maging masaya.
"I hope you find happiness that doesn’t have to come at someone else’s expense,” makahulugang mensahe ni Dustin para sa kanyang detractors.
Read: Joy Barcoma on leaving podcast: “I'll just stay in the space where people love me.”