Magkakaroon ng media conference ang Viva Films para sa cast reveal ng 2nd Miracle in Cell No. 7.
Pero nauna nang ipinakilala si Jodi Sta. Maria bilang kapareha ni Aga Muhlach sa pelikulang opisyal na kalahok sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Disyembre 25, 2026.
Inanunsiyo ng Viva Films ngayong Huwebes ng gabi, Setyembre 10, na si Jodi ang gaganap sa karakter ni Angela, ang asawa ni Lito at ina ni Yesha.

Si Aga Muhlach ang gumanap na Lito at si Xia Vigor ang nagbigay-buhay sa katauhan ni Yesha sa Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7, ang topgrosser sa MMFF 2019.
Si Aga raw ang personal na pumili kay Jodi para makapareha niya sa 2nd Miracle in Cell No. 7, at ito ang unang pagkakataong magkakasama sila sa isang proyekto.
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
CAST REVEAL
Sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, John Arcilla, at Tirso Cruz III ang co-stars nina Aga at Xia sa Miracle in Cell No. 7.
Malalaman sa media conference para sa cast reveal ng 2nd Miracle in Cell No. 7 kung kasama pa rin ang mga nabanggit na aktor sa “prequel at sequel” ng Miracle in Cell No. 7, na mula sa panulat ni Mel del Rosario at direksiyon ni Nuel Naval.
Ipinaliwanag ni Mel sa Cabinet Files na ginawa niyang prequel ang kuwento ng 2nd Miracle in Cell No. 7, pero may elemento rin ng sequel ang pelikula.
Sampung taon pa lamang ang edad ni Xia nang magsama sila ni Aga sa Miracle in Cell No. 7 noong 2019.
Seventeen years old na siya ngayon.

Nagkaroon ng casting call ang Viva Films para sa batang aktres na dapat kahawig ni Xia at may edad apat hanggang lima na gaganap na young Yesha sa 2nd Miracle in Cell No. 7.
Read: Ai-Ai delas Alas reacts to ex-husband Gerald Sibayan's remarriage