PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach finally gets to work with Jodi Sta. Maria in a movie

Aga Muhlach thanks Jodi Sta. Maria for saying yes to 2nd Miracle in Cell No. 7.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
aga jodi 2nd miracle in cell no. 7
Aga Muhlach’s longtime wish to work with Jodi Sta. Maria is finally coming true. The two stars are teaming up for Viva Films’ 2nd Miracle in Cell No. 7, an official entry in the 52nd Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Viva Films Facebook

Natupad na ang pangarap ng multi-awarded actor na si Aga Muhlach na makatrabaho sa isang proyekto ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Magsasama ang dalawa sa 2nd Miracle in Cell No. 7, ang pelikula ng Viva Films na opisyal na kalahok sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Matagal ko na rin siyang gustong makasama talaga and nasabi ko nga na hindi lang nagkakataon.

"But then, when this movie was presented na gagawin, sinabi ko na wala nang iba talaga,” pahayag ni Aga sa story conference ng 2nd Miracle in Cell No. 7 na ginanap sa Tektite Auditorium, Pasig City, nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 11, 2026.

Hindi matapus-tapos ang taus-pusong pasasalamat ni Aga kay Jodi.

Saad niya: “I wanted her. We needed her.

"And maraming salamat sa Panginoong Diyos at pumayag.

"Maraming salamat, Jodi. Thank you for saying yes, really.

"Nagsasawa na sa akin ito sa kaka-thank you ko kasi parati akong nagpapasalamat talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, maraming-maraming salamat talaga.

"Wala nang iba. Wala nang iba talaga.

"Siguro kapag nag-umpisa na kaming mag-shoot ng pelikula at kapag napanood niyo na ang pelikula, dun ninyo makikita kung bakit siya.”

jodi sta. maria 2nd miracle in cell no. 7
Jodi Sta. Maria
Photo/s: Viva Films Facebook

Read: Jodi Sta. Maria joins Aga Muhlach in 2nd Miracle in Cell No. 7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AGA MUHLACH'S NEW LOOK

Ang story conference ng 2nd Miracle in Cell No. 7, na prequel ng Philippine adaptation ng MMFF 2019 topgrosser na Miracle in Cell No. 7, ang unang pagkakataong muling nakita si Aga ng mga miyembro ng entertainment media si Aga.

Marami ang namangha at nagkaroon ng inspirasyon na magpapayat dahil sa body transformation ni Aga.

aga muhlach new look
Aga Muhlach
Photo/s: Viva Films Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matagal nang nagtagumpay ang aktor na magbawas ng timbang bago pa niya natanggap ang alok na magbida sa 2nd Miracle in Cell No. 7.

Lahad ni Aga: “Talagang nagpapapayat ako. Nagkataon lang na natanggap yung pelikula na to.

"Buti naman at nasa gitna na ako ng pagpapapayat ko kasi kung hindi, mamomroblema na naman ako, although hindi naman kailangan.”

Read: The Bachelorette alum seeks NBI help over mother’s death after an alleged cosmetic surgery

AGA MUHLACH IN ANOTHER MMFF MOVIE

Iginiit ni Aga na hindi siya umasang magkakaroon ng pelikulang isasali sa MMFF 2026.

“Hindi na talaga ako umaasa. Yun lang ang sinabi ko noon kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer].

"Kasi my last film was in 2024, Metro Manila Film Festival also with Vilma [Santos]," pagtukoy ni Aga sa pelikulang Uninvited.

“Hindi naman ako humihingi ng pelikula. Parang okay lang, kung saan ang flow.

"And then, sinabi nga, gagawin itong pelikulang to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang una kong reaksiyon, 'Anong istorya? Ano ang gagawin natin?'

"Of course, magandang isipin yung Miracle in Cell No. 7 dahil napakagandang pelikula talaga.

"Pero kapag sinabi sa yo na, 'Gagawa tayo ng another Miracle,' ano yon? So, ikinuwento nga sa akin.

"Pinag-usapan namin, maraming usap, hanggang sa ganito na lang.

“Parang ang gawin natin, isinulat niya [Mel del Rosario], i-submit, ganoong kasimple lang, di ba?

"Kapag tinanggap yan, nagustuhan nila. Maganda yung pelikula.

“So, hindi ako umasa talaga. Hindi ako umaasa talaga.

"Nagbibisikleta lang ako. Nagpapapayat ako, namumuhay lang nang normal.

“And biglang sinabi nga sa akin, 'Tinanggap tayo.' 'Okay, salamat.'”

aga muhlach 2nd miracle in cell no. 7
Photo/s: Viva Films Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa ni Aga: “So, nandito kami ngayon. Magsu-shooting na kami.

"Ganado kaming lahat. I am excited, I am very excited.

“Nerbiyos? Hindi ako ninenerbiyos.

"Mahirap yung gagawin ko pero hindi ako ninenerbiyos dahil katulad noong una, magagaling kasi yung mga kasama ko talaga.

"Kapag magagaling yung kasama mo, hindi mo na kailangan mag-isip kung paano ka aarte.

"Kapag tumingin ka sa kanila, natatanggap mo kung ano yung ibinibigay nila.

"Ang dali ibalik kasi maganda ang bigay nilang lahat."

Bukod kina Aga at Aga, kasama rin sa 2nd Miracle in Cell No. 7 sina Joel Torre, Mon Confiado, Jansen Magpusao, at magbabalik din si Xia Vigor na gaganap sa role na Yesha.

Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Nuel Naval at panulat ni Mel del Rosario.

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach’s longtime wish to work with Jodi Sta. Maria is finally coming true. The two stars are teaming up for Viva Films’ 2nd Miracle in Cell No. 7, an official entry in the 52nd Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Viva Films Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results